Birthclub: Pebrero 2023 icon

Birthclub: Pebrero 2023

38.3 K following

Feed

Just sharing,..

Ishare ko lang experience namen sa isang private hospital sa antipolo,... Simula ng mabuntis ako duon na kame nagpapacheck up, dahil sa kagustuhan namen maging ok kame ng baby ko,... Almost 7yrs na kame ng hubby ko ngayon, and sobrang saya namen after 6yrs married finally nakakita kame ng 2 lines sa pregnancy test,.. kung saan saan kame nagpaalaga para magkababy kame,.. halos sumuko na kame,.. Ofw ang asawa ko kaya family ko ang kasama ko all through out ng pregnancy ko,.. regular check ups and laboratories, syempre lahat ng sabhin ng mga doctor ko sinusunod ko, kapag may nararamdaman ako sinasabi ko din agad sa mga doctor ko,... Lahat naman tayo gusto natin maging maayos at malusog tayo ng baby natin after pregnancy, in short pinili namen ang hospital na ito bukod sa private sya malapit sya sa bahay namen kaya mabilis kame makakapunta, halos kompleto ang facilities, lahat ng laboratories ko dto ko na din pinagawa. Tahimik at mahigpit sila sa mga pumapasok ng hospital lalo na sa may mga sintomas ng covid, at higit sa lahat alam namen na aalagaan kame ng baby ko hanggang maklabas kame,... Pero, hindi ganun ang nangyari,... Totoong sobrang stressed at depressed ako, kaya sana wala namn po mangbash,... Umasa kasi kame na aalagaan ang baby ko sa loob ng NICU dahil ayaw sya payagan ng pedia nya lumabas ng hospital dahil nakainom daw po ng amniotic fluid,.. pero napabayaan sya sa loob ng hospital,.. lahat ng nurses at pedia ni baby,... Sinunod namen lahat ng hiningi at sinabi ng pedia,.. pero may mga hospital at doctor pala talgang mapagsamantala lalo na pag alam nilang capable magbayad ang parents,... Until now nagluluksa kame sa pagkawala ng baby ko,.. maayos AT malusog ko sya inilabas sa tyan ko,.. pero hindi ko manlang sya naiuwi sa bahay ang baby ko,... At ang pedia nya, hindi na namen mahagilap simula nun biglang nagkaron ng komplikasyon ang baby ko,... Nagpakita lang sya the day na nawala na ang baby ko,.. Ang mga nurses na nagpatay malisya sa mga nangyari,... Alam nila kung sino sila,... Nakita nila lahat ang paghihirap ko pagpumupunta ako ng hospital knowing na cs ako,.. lalo na ang paghihirap ng baby ko sa mga kamay nila,.... Nasaan ang mga puso nyo sinira nyo buhay at kinabukasan ng baby ko at namen magasawa... Walang kalaban laban ang baby ko,... At alam nila lahat na 6yrs namen hinintay ng asawa ko ang baby ko,... Sobrang nagpaalaga kame sa mga doctor sa hospital na yun ,... Kaya payo ko po sa mga first time parents, wag po pakampante hindi porket private magiging ok ang lahat,.. maging masmapagbantay at mapagmatyag,.. kame sinunod namen lahat ng sinabi at hiningi mga doctor ng baby ko,... Hindi na namen inisip ang mga gastusin para lang mailabas ng maayos ang baby ko,... Pero mas importante pala sa kanila ang pera kaysa buhay ng tao,..... Napakasakit para sa aming magulang na nagtiwala sa mga kakayanan ng hospital, doctor at nurses,.... Darating din ang hustisya,... #firsttimemom #bantusharing #pleasedontbashme #justsharing #myangelbaby

Read more
undefined profile icon
Write a reply
Load More Posts