Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
7.6 K following
Sino po dito may same case? Anhydramnios
Hi mga mommies. Sino po dito same case sakin. Yung 1st 3 months ng pagbubuntis ko, okay naman lahat. Normal signs and symptoms ng preggy . Buwan buwan din nagpapacheck up ako sa OB ko, iniinom ko lahat ng vitamins kahit sobrang dami walang palya then nung tumungtong nako sa pang 4th month ko, nung una spotting lang tapos yun niresetahan ng mga pampakapit hanggang sa yung spotting ko naging heavy bleeding na talaga hanggang na ER nako kase diko na kaya yung sakit at sumasakit na balakang ko. Kinabukasan nakita sa ultrasound na anydramnios daw si baby, no water daw at wala daw na develop na kidney si baby . Iyak na ko ng iyak nun sa OB ko kase nakakabigla at sinabihan na din ako na not possible na mabuhay si baby ng matagal. Nag pa 2nd opinion pa din ako sa ibang OB at yun p din ang nakita sa ultrasound, anhydramnios daw talaga at yung placenta daw nakaharang sa cervix kaya dinudugo pa rin ako. Ganun po ba talaga, sabi ni OB, since may hearbeat pa si baby dito sa tyan ko aantayin na lang talaga daw namin na mag preterm labor ako at kahit anong gawin daw hindi na nila mahahabol. Sobrang nakakalungkot kase 10 years yung inantay namin, sobrang excited namin lahat tapos ganun. Nakaka depress. please respect my post po.
Edema at 16 weeks
Masyado po ba maaga na mag-manas at 16 weeks? If so, ano po kali ang pwedeng pang-relieve? I’m worried it might affect my baby. Thank you po.
Murang paanakan
Hi mga mi. Sino po dito may alam na affordable na paanakan around q.c
4months preggy!
Nararanasan niyo din poba to mga mi? Pananakit nang singit? Nag search naman ako normal lang daw, dahil din sa paglaki nang baby sa loob nang tummy😊
Rice Substitute
Hello, ano pong maganda and safe rice substitute for pregnant women? #AskingAsAMom #FTM
Morning Sickness
Meron pa ditong 13 weeks na pero nagsusuka parin? 🥺 Sobrang hirap
Hello po mi! Normal poba na sa puson ko banda nararamdaman ang galaw ni baby? posterior po yong placenta ko base sa TVs ko non! Itong 4months kase ako dipa ako uli nakakapag pelvic ultrasound! Cute kase nang galawa ni baby sa puson ko hehe
4 months preggy
hello po bawal papoba ko tumanggap ng mga bigay na gamit or damit ni baby kasi 4 months palang pa nmn daw po tyan ko, base sa pamihiin daw po🥹#AskingAsAMom
15weeks pregnant
Nag Karoon po ako ng brown discharge na parang sipon Pag kaihi ko tapos after ko po punasan nawala na din dina po tumuloy. May katulad po ba ako dto? Dpa po kasi ako agad makakabalik sa ob
Constipation
14weeks preggy and super constipated, may naibigay naman na laxative ang OB ko pero ayaw ko naman lagi uminom ng laxative. Pwede po ba ang NESTEA CLEANSE sa preggy? Thanks po.