Mga mommies, tanong ko lang paano nyo napapagsabay ang pamamalengke at pagluluto ng breakfast, lunch and dinner kung may 1 year old kayo at dalawa lang kayo naiiwan sa bahay kapag pumapasok na ang mister sa trabaho? At paano nyo napapagsabay na asikasuhin din si mister lalo na kung sobrang likot ng baby na hindi mo pwedeng maalis tingin mo sakanya or maiwan ng kahit ilang segundo lang para makagawa ka din ng ibang gawaing bahay. Paano nyo nagagawa? Help me, super moms! #supermom #housewife #1yearoldbaby
Read moreRainy Season = Flu Season ❗️❗️❗️ Eversince nagkaroon ng convulsion episode si Ate Keesha last 2019, mas naging OA ako as a Mom. Ingat na ingat kasi that experience was really scary for us and ayoko na talaga maulit. Being overly protective to her means most of the times, I tend to say “NO” to her exploring this and that. Gustong-gusto pa naman nito na laging nakikipag-laro sa labas! As in super active kaya naman I make sure that she eats properly, drinks her vitamins everyday and most of all complete with her vaccines! Kaya she gets her flu shots yearly. Iba na ang protektado. 💪 Pero sa mga ganitong pagkakaton, she can still have fun by us playing together. Arte-arte din kapag may time! Feel na feel niya yan eh! Hahaha! Remember that Flu isn't just a simple illness. If not prevented, it can lead to other severe complications. Flu vaccines will help our immune system to prepare in fighting the flu viruses. Kaya my fellow parents, punta na sa nearest hospitals or clinics to get your FLU shots! Let’s all build a happy and safe home. 💜 Also, help us in #BuildingABakuNation by visiting the BakuNation Content hub on the Asianparent Philippines' website: https://ph.theasianparent.com/category/building-a-bakunation and do not forget to Take Your Pledge Now! 🙌 #BuildingABakuNation #TeamBakuNanay #theAsianparentPH #VIParentsPH
Read moreHello po. Ask ko lang po kung may karapatan ba ang lolo or lola ng bata hiramin yung bata? Baby po actually. Turning 6 months. Yung mother po ng tatay ng anak ko nagbanta kasi papabarangay daw ako pag hindi ko pinahiram sa kanila yung baby ko. Karapatan daw nila hiramin kasi sa anak nila nakaapelyido yung anak ko. Nakipaghiwalay na po kasi ako kay lip kasi paulit ulit ko na nahuhuling may babae. Kahit pa nung buntis ako nahuli ko ng may babae tapos tinolerate pa ng magulang at mga kamag anak yung pambababae niya, hindi manlang nila naisip yung pinagbubuntis ko non. Tapos nitong huli lang nahuli ko na naman. Ang ginawa ko tinext konsa phone ni lip yung babae, umamin yung babae na naghohotel nga sila. Umabot na sa tinitipid niya kami ng anak niya, ilang araw kaming di inuuwian. Tapos ito nga po nung May 18 nilayasan na namin ng anak ko yung ama niya kasi nakakapagod na. Pagod na pagod nako isalba yung relasyon namin para lang magkaron ng buong pamilya yung anak ko pero diko na kaya yung panloloko niya na umabot na sa ginutom na niya ako, pati pambili ng gamot ng anak niya ayaw magbigay. Nagvideo call sa hipag ko yung biyenan kong babae na papabarangay daw ako pag diko pinahiram anak ko sa kanila. Ayaw ko po ipahiram kasi baka di nila ibalik sakin. #pleasehelp #advicepls
Read moreHindi pa nagsasabi ng mama at papa ang 2 years old ko
Hi po mga mie, normal lang po ba sa 2 year old baby na hindi pa siya nagsasabi ng mama or papa. Hindi rin siya maalam ng mga words sa normal conversation pero alam na niya sabihin at marecognize ang letters, numbers, colors at shape. Ang concern ko lang po hindi talaga siya nag eengage ng mga salita gaya ng ibang 2 years old na sobrang galing na magtalk at magsabi ng mana at papa. Or sadyang late development lang po ba lo ko. Isang factor po ba yung premature baby. #RespectPost
Read more