Ingredients
- Olive oil
- 1 puso ng saging
- 1 medium chopped onion
- 1 tbsp oyster sauce
- 1/2 cup all purpose flour
- 2 eggs binati
- Salt and pepper
Steps
- Balatan ang puso ng saging. Tanggalin ang layers hanggang makita ang malambot na parte nito. I-slice ang core ng maninipis na shreds.
- Sa isang bowl, maghalo ng asin at tubig ‘tsaka ibabad ang puso ng saging ng 20 minuto. Pagkatapos ibabad, pigain ito para matanggal ang dagta. Hugasan ito ng malamig na tubig at salai nang mabuti pagkatapos.
- Sa isang kawali, maglagay ng 1 kutsara ng mantika sa katamtamang apoy. Igisa ang sibuyas hanggang maluto.
- Idagdag ang puso ng saging at igisa nang mabuti.
- Idagdag ang oyster sauce at haluin para mabalot ang puso nang saging ng sauce. Dagdagan ng asin at paminta. Hintayin na ma-absorb ng puso ng saging ang sauce. Tanggalin ito at itabi.
- Sa isang bowl, ihalo ang puso ng saging, harina at itlog. Gawin itong patties.
- Sa isang kawali, initin ang mantika. Idagdag ang patties at lutuin ng 2-3 minuto bawat side hanggang maging brown ang kulay. Tanggalin sa kawali kapag luto na.
- I-serve kasama ng kanin, couscous o quinoa. Maaari ding gawing burger.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.