Shrimp Quesadilla

22 mins
Easy
Dinner
Fried, Sauteed
Umami
Mild
Ingredients
  • 1 cup medium shrimp nilinis at binalatan
  • 1/4 tsp chili powder
  • 1 tbsp lemon juice
  • 2 1/2 tsp extra virgin olive oil
  • 1 tbsp brown onion chopped
  • 1 tbsp chopped fresh cilantro
  • Salt and pepper
  • 2 medium flour tortillas
  • 1/2 cup shredded Monterey Jack cheese
  • 2 tbsp sour cream
Steps
  1. Sa isang bowl, paghaluin ang chili powder, asin, paminta at lemon juice. Ibabad ang hipon dito at i-marinate.
  2. Sa isang kawali, painitin ang 2 kutsaritang olive oil sa katamtamang apoy. Idagdag ang hipon at lutuin ito ng 1 minuto bawat gilid. Tanggalin sa kawali.
  3. Linisin ang kawali. Lagyan ito ng kalahating kutsarita ng olive oil at painitin sa mataas na apoy.
  4. Ilagay ang tortilla sa kawali. Baligtarin ito nang paulit-ulit hanggang magkaroon ito ng bubbles.
  5. Ilagay ang keso, hipon, sibuyas at silantro ang ibabaw ng tortilla. Patungan ito ng isa pang piraso ng tortilla.
  6. Baligtarin ito para maluto rin ang kabilang gilid. Hintayin na matunaw ang keso.
  7. Tanggalin sa kawali. Hiwain ng mas maliit na piraso.
  8. Ihanda kasama ng sour cream bilang dip nito.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.