Ginataang tilapia
Ingredients
-
2 piraso ng tilapia na nakaliskisan at natanggalan na ng hasang
-
1 lata o 1 ½ tasa ng gata ng niyog
-
4 na tangkay o pirasong dahon ng mustasa
-
1 maliit na piraso ng luyo
-
3 butil ng bawang
-
1 pirasong sibuyas
-
Asin o patis
-
Paminta
-
1 tasang tubig
-
2 pirasong siling green o labuyo
-
2 tbsps mantika
-
Mag-init ng kawali at ilagay rito ang mantika.
-
Kapag mainit na ang mantika, saka igisa ang bawang, sibuyas at luya.
-
Saka sunod na ilagay ang gata ng niyog.
-
Hintaying kumulo ang gata ng niyog saka ilagay ang isdang tilapia.
-
Takpan at hayaan itong kumulo sa loob ng sampung minuto
-
Sunod na ilagay ang dahon ng mustasa o gulay na gusto mo. Hayaan itong maluto sa loob ng ilang minuto.
-
Sunod na timplahan ito gamit ang asin o patis. Maari rin itong lagyan ng paminta. I-serve ito ng mainit-init pa.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.