Ginataang Kalabasa
Ingredients
-
1/2 kg kalabasa (squash)
-
1/4 kg pork belly liempo na pinaghihiwa sa kwadradong piraso o ¼ kilo ng hipon
-
2 cups gata ng niyog
-
1 tbsp
-
2 tbsps mantika
-
1 sibuyas
-
2
-
1
-
1 tsp granulated seasoning
-
Hugasan at balatan ang kalabasa. Hiwain ito sa gitna at tanggalin ang mga buto nito sa tulong ng isang kutsara. Saka ito hiwain ng 1 ½ o 2-inch na kwadradong piraso.
-
Hugasan at ihanda ang karne ng baboy o hipon na isasahog sa iyong ginataang kalabasa recipe.
-
Magpainit ng kawali sa kalan. Lagyan ito ng isang kutsarang mantika kapag mainit na. Saka gisahin ang bawang at sibuyas.
-
Idagdag sa pagisa ang karne ng baboy o hipon kapag luto o lumalabas na ang aroma ng ginigisang bawang at sibuyas.
-
Kung luto na ang sahog na karne o hipon ay saka idagdag ang bagoong alamang.
-
Hayaan itong magisa rin sa loob ng ilang minuto.
-
Saka na ilagay ang mga nahiwang piraso ng kalabasa. Igisa ito hanggang sa mabago ang kulay nito o sa loob ng 3 hanggang 5 minuto. Kung ang kalabasa ay madilaw noong ito ay hilaw, mag-kukulay orange ito kapag nagisa o naluto na.
-
Kapag ang kalabasa ay luto na ilagay na ang gata ng niyog.
-
Saka ito timplahin gamit ang pampalasa o granulated seasoning. Maari ring gumamit lang ng asin at paminta hanggang sa ma-achieve mo ang timpla at lasa na nais mo.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.