Nakakasama Po ba sa newborn baby ang sobrang ingay ?

Yung kapitbahay Kasi namin sobrang lakas magpatugtug nag aalala Kasi ako pag nanganak nako ngayong November tapos ganun pa din siya e baka kawawa ung baby ko. Actually pinagsabihan na namin siya dati pero ayaw talaga tumigil talagang makapal ang muka. Ok lng Sana kung di sobrang lakas Kaso sobrang lakas e magkakadikit lng ung pinto namin Kasi apartment nga Kaya talagang nag e echo. Halos di na nga namin mabuksan pinto Kasi pag binuksan namin lalong malakas. Ang hirap pag may ganitong kapitbahay walang pakisama hyst. Sinabi na din namin sa babaeng may Ari ng apartment parang wala namang ginawang aksyon. Parang may saltik di naman sila bingi bakit sobrang lakas magpatugtug Akala mo nag didisco.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa experience po namin ay hindi naman nagka-problema si baby. Under construction po ang bahay na tinitirhan namin nung buntis ako, hanggang sa manganak ako. So during the day ay babad kami sa malakas tunog ng mixer, grinder, pukpok, tibag, etc. Siguro nasanay na si baby sa ingay kaya kahit na newborn sya ay hindi naman naapektuhan ang nap times nya. Pero syempre para sa mga ingay na kahit for adults ay masakit sa tenga, iniiwas ko si baby as much as possible. Still, hopefully kapag lumabas na ang baby nyo ay maging considerate na si neighbor sa ingay nya...

Magbasa pa
1y ago

Sana nga mi e πŸ₯Ί siya lng talaga maingay sa lahat ng nakatira dito sa apartment hyst ang hirap din Kasi kahit pagsabihan na sila pa galit .. ok lng naman Sana magpatugtug pero di ung sobrang lakas na parang nag di disco na kahit sa kalsada rinig mo ung tugtug ..