Kami nga nga asawa ko, nakitira lang hanggang ngayon sa parents nya dahil wala pa kaming bahay even though kasama sa plano namin mag bukod pero wala pa talaga sa budget, yung asawa ko hindi talaga sya nagbibigay sa parents nya, ako nga yung gusto na dapat mag bigay sya eh. pero ayaw nya talaga, dahil obligasyon din ng parents na tulungan o supportahan ang anak hanggat sa maka bukod, paano daw kami maka bukod kung panay bigay kami sa parents nya. Kaya ayon parang ako nahihiya sa parents nya, hindi rin kasi sya sinusuportahan ng parents nya about sa kanyang skills at business hanggang naabutan nalang daw sya sa age na kailangan ng mag asawa. Parents nya inuuna ibang tao eh, kesa sa mga anak. kaya ayon i understand kung bakit ganyan pakikitungo ng asawa ko sa kanyang parents.
Anonymous