mommy, nagworry din ako before.
madaling sabihin pero mahirap gawin.
nanood ako ng speech therapy videos sa youtube, Agent of Speech.
more effort (triple effort) ang ginawa ko. until gradually, my toddler can speak more words now. lumilingon kapag tinatawag namin. nagtatago kami then hinahanap nia kami kapag tinawag namin sia. kumakanta sia. sinusunod nia ang intructions namin.
nagstart ako, i play with her. while playing, nagtuturo ako ng 1 word. ipapa repeat ko sa kania. pero kelangan, nakatingin sia sakin para makita nia paano ko binibigkas.
i used toys, flash cards anything para maengage sia to speak.
bago ko ibigay ang toy or gamit, pinapabigkas ko sa kania.
nakakatulong ung lumalabas ng bahay at playing with kids of same age.