HELP😭😭😭😭 Blighted Ovum ba?

WALA NA PO BA TALAGANG CHANCE TO? UMAASA PA DIN PO AKO. LAST TWO WEEKS AGO NAGPA TVS AKO, AND 5WEEKS PALANG DAW AKO BASE SA ULTRASOUND, GESTATIONAL SAC PALANG AND WALA PANG BABY THEN SABI NG OB KO WAIT KAMI NG ANOTHER 2 WEEKS ULIT KUNG LILITAW SI BABY. THEN KAHAPON CHECK UP KO ULIT AND TVS WALANG BABY, WALANG EMBRYO. YUN PADIN YUNG SAC LANG YUNG ANDUN. PWEDENG BLIGHTED OVUM NA DAW AKO. WALA NA BA TALAGANG CHANCE TO😭😭 ##pleasehelp #advicepls

HELP😭😭😭😭 Blighted Ovum ba?
43 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

5 weeks tvs masyado pang maaga yun wala pang makikita talaga even heart beat po wala pa talaga madedetect. Try mo po mag wait ng isa pang week and tuloy tuloy lang sa pag inum ng vitamins. More on fruits po na nakakdevelop sa baby. Iwasan din ang mastress nakaka affect yun sa development ng baby🥰.

ganyan din ako nung unang Trans, sabi nung nagtrans sa akin wait pa ng 1 month para sigurado habang naghihintay umiinom ako ng Folic at pagpapakapit kasi sumasakit yung puson ko nun pero wala naman akong bleeding. paglagpas ng 1 month nagpatrans ako ulit nandoon na si Baby.

Mi, may mga cases na late nabubuo. Baka kaya pang maghintay ng another 2 weeks. For now, as much as possible wag ka magpa-stress kasi hindi healthy yan sa inyo ni baby. Mag-pray ka lang mi and kausap-kausapin mo sya na sana soon magpakita na sya sa ultrasound.

TapFluencer

usually 8-9 weeks nkkita ang form at hb n baby q.. sakto 9 weeks unang tvs q kya nkita n form nya at hb nya my bleeding dn aq s loob 2 weeks aq pnainum ng pmpkapit... mgbed rest k maige.. inumin m mga folic acid m mainam s development n baby yn bawal mstress

VIP Member

Sakin mag 6weeks tapos sabi possible mg blighted ovum tapos snabhan ako balik after 2Weeks ayun ngwait ako maghigit 2Weeks ayun ok nmn na result nakita nrn si baby.. Nresetahan lng dn pampakapit and chill lng, ngayon 6Mos preggy na po,

Mag iba kna ng OB.. bka hindi ka hiyang sa Ob mo na yan.. hanggt hindi ka dinudugo .. tuloy lng ang laban.. wag mo na balikan yan hintayin mo nlng mabuo si baby ng tuluyan.. kasi na stress ka kay ng stop din ng growth si baby..

meron po akong napanood aa tiktok kanina, 5 weeks sya nung nagpa ultrasound and wala pang heartbeat, pinabalik sya after 2 weeks pero ang ginawa nya, bumalik sya nung 14 weeks na sya and kita na yung baby

Maagang-maaga pa po kasi, dapat pumunta po kayu ng OB nyu mga 7weeks-14weeks kasi sa akin ganun ginawa ko para sure na talaga na makita lahat. Kasi nakakasakit ng loob na naghohope ka sa wala. hays pray ka lang po

nag TVS din Ako last May 12 and 5 weeks and 4 days palang, gestational sac palang Rin Ang Nakita then kanina Tnx God nagpa TVS ulit Ako Nakita na Po Ang embryo at may heartbeat na Po sya 8 weeks na Po Ako ngayon.

meron po akong napanood aa tiktok kanina, 5 weeks sya nung nagpa ultrasound and8 wala pang heartbeat, pinabalik sya after 2 weeks pero ang ginawa nya, bumalik sya nung 14 weeks na sya and kita na yung baby

Related Articles