Hindi po kayo failure mommy Yan din na feel ko nung first few days and even weeks kay baby Pero as time goes by magbabago din po yan Mag aadjust din po kayo ni baby together. Just be patient. Pag nagpapatulog po Nakaka.feel po kasi si baby ng stress, kasi alam niya po ang heartbeat at kung anu-anong body changes ni mommy (nasa loob siya ng womb for ilang months). So aware siya if stressed kayo, kaya stressed din siya Iwasan niyo lang din po ang ma stress kapag hawak niyo si baby. Wag din po aalsa yung boses.. Baka si Lola kapag hawak niya si baby eh kalmado lang.. kaya mabilis din kumalma si baby.. Just be patient mommy. Hindi magtatagal mage-gets niyo din po mga gustong iparating ni baby
Sa kin po kahit 1st day ni baby lagi ko sya kinakausap at kinakantahan kaya ngaun kilalang kilala na nya ako ngaung 2 months na sya. Kausapin nyo lang po ng kausapin tapos magpakilala po kayo sa kanya like "hi, ako po mama/mommy mo" or kapag umiyak sabihin nyo po "andito na si mama/mommy wag na magcry"
thank you po😌🙏💕 totoo nga po na nag aadjust din si baby, ngayon napapatulog ko na sya dati kahit anong lambing ko sa kanya d talaga sya kumakalma pero ngayon hindi na sya ganyan.. tsaka mas nakikilala na nya rin ako🥰