Maternity Fee

Tama lang po ba yung 28k na package pag normal delivery sa public hospital? Less philhealth na daw po un? And 38k if CS? Pls enlighten me po.

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Public hospital din ako nanganak, normal delivery,,12k binayaran namin, di pa less yung philhealth dun. 12 ako naadmit, 16 discharge

Nakaprivate Doc din po ako, pero public Hospital nya ko papa anakin which is dun siya affiliated,15k yung hingi nya sa akin via CS..

VIP Member

Depende po sa hospital, sakin kasi umabot din ako ng 26K with philhealth plus di pa kasama dun yung doctors fee both ob at pedia..

VIP Member

Sos kong sa lying inn kalang po manganganak my Philihealth ka naman po. Ei Wala kapong babayaran sure ka pa na manonormal ka po

Pag private po 25k normal delivery and 35k nmn pag cs dto sa mandaluyong hospital .pero pag public alam ko mas mababa un

TapFluencer

Depende po sa lugar at sa hospital. Ang alam ko ganyan din binayadan ng pinsan ko nung manganak sa public, bulacan area.

Ang mahal nman ng 28k kung public sis .. sino ba nagsabi sayo na ganyang amout mababyaran mo? Yunh taga hospital mismo?

Waaah! Ang mahal naman po ako nanganak ako public hospital cs pa pero bill namin ng baby ko is 2k lang po..

Sa akin po 12k package private po tapos less ng 3k sa philhealth..so bali 9k lang po nabayaran namin .

VIP Member

Sa private na po ang price yan.. sa public pag nag normal ka halos wala ka babayaran kapag may philhealth ka.

6y ago

Private ob ko po kase sya. Yan po yung price na binigay nya.. Tama po ba yn??