4 Replies

Me. 3yrs ago i had stillbirth, too..talk to your OB po. kasi bibigyan ka ng choices dyan, kung wait mo til kusang maglabor or magpainduced labor ka. Sa experience ko nung nangyari sakin yan, nagwait muna kami ng almost 3days (as adviced ng OB kasi natatakot sya na pag binigyan nya ko agad ng pampahilab e duguin na ko ng duguin, try daw muna namin yung natural) nagpatagtag na ko nun (kahit hirap na hirap yung kalooban ko kasi iyak ako ng iyak araw araw), para nga kusang sumakit yung puson ko, at bumuka na cervix ko kaso hanggang 1-2cm lang talaga binuka ng cervix ko nun (although may hilab na pero nawawala) at super lungkot ko na dahil yung burden na nakikita ko yung tyan ko, nahahawakan ko, malaki na pero wala nang gumagalaw at alam kong wala nang buhay yung anak ko talaga (1month na lang kasi nun manganganak na dapat ako) emotionally damaging talaga. kaya nagdecide na kami na magpainduced labor na para matapos na yung hirap at unti unti makamove forward na kami sa grieving process, maayos na lahat, also gusto rin naming makita yung baby namin nun na di pa nangingitim (normal na kulay pa rin ng balat), mangingitim kasi yun pag matagal na sa tyan since wala nang supply ng blood. true enough nung nanganak ako nun via normal delivery, ang ayos pa ng itsura ng baby ko, parang natutulog lang talaga. di mo iisiping wala na talagang buhay. kusa kasi yang ilalabas ng katawan natin once nadetect na wala ng life. kaso inaabot yun ng 2weeks mahigit.. tatagan mo loob mo, at manalig lang lagi kay Lord. 💪 nakayanan ko, makakayanan mo rin. seek support from your husband, and family members. and now nga after 3yrs, nakarecover na finally, at manganganak na ako in 2weeks time with a healthy and active baby girl po.. Godbless po.

same tayo mommy..sobrang sakit talaga..bigla nalang mawawala ng walang dahilan..sobrang sakit..natatakot na rin kasi ako dahil noong Wednesday pa wala ang baby ko..hanggang ngayon hindi pa mailabas kasi efface palang daw yong cervix ko..hinintay pa nilang mag open..dami kasi mga negative comments baka daw ma poison na ako..at sobrang sakit lang na everyday mo pa kasama sa tiyan mo pero wala ng buhay..ang hirap talaga tanggapin.. thanks po sa pagsagot and godbless po for your new baby..

I’m so sorry for your loss Mommy 😢 praying and hoping for your recovery and healing. Tanong ko lang po kung hindi nyu po mamasamain, ano po yung cause ng stillbirth nyo?

thank you po

mommy anong weeks nyo po napansin na hndi na gumagalaw si baby?

Ang sakit at pinaka kinakatakutan ng isang Nanay. 💔😢😭

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles