39 WEEKS AND 3 DAYS

Still close cervix pa din po 🥲 Ito na po mga ginagawa ko: - Walking - Squatting - Akyat Panaog sa hagdan - Insert 3 primrose every 8hrs - Drink pineapple juice 3 times a day Ano pa po kayang pwede kong gawin mga mi. Pahelp po please 🙏

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

try nyo rin pong mag do ni hubby, nipple stimulation abdomen massage (play with baby in womb) until mag labas ka ng oxytocin (love hormones) Dyan po ako nag lambot and nag open cervix.. kaya nag threatened preterm labor ako.. 36 weeks po ako ngayon pero ggwin ko po ulit yan pag nag 37 na ako.. plus lakad lakad hehe

Magbasa pa

same po tayo 39weeks and 3days mi pero no sign of labor pa din maliban sa sobrang pananakit ng di ko maintindihang saang parte ng lower part ko.. wala pa din inaadvice si doc sakin na kahit anu.. Pray lang po mommy makakaraos din tayo..

1y ago

same sa nara2mdamn ko lahat gnawa ko na, kahit mkipag do sa asawa ko, pempem lng nasakit sakin nang sobra at sa puson, sana mkaraos na tayo 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

pareho tayo mi ginawa ko na yung sobrang pagtagtag dipa din talaga sya lumalabas , kanina 2 - 3 cm padin tas niresetahan nako ng evening primrose oil tas pag di padin nag progress by monday schedule for induce labor

38W1D nakadalawang pack nako ng primrose ex a day. sumasakit sakit ang puson pero nawawala. naninigas ang tyan at parang gustong umire. sana makaraos na tayo team October 😇🙏

same po, hindi padin open cervix, 6 primrose nilalagay ko everynight yun po resita ni OB. pero nakakastress kahit ano na gawin ko hindi pdin open cervix 😢

try nyo po mag pagalaw sa husband nyo may iba po kase sinasabihan na ipasundo sa daddy e yan po inaadvice sakin kaso masakit e 😅

1y ago

natawa ako dito mommy 😂

May nakapanganak na po ba sainyo mga mommies? Nakakabahala at ayoko din sana magpa induced. Mas masakit daw po yun 🥺

Same tayo ng situation mi. Due date ko na bukas and still no sign of labor 🥹

1y ago

Kamusta ka po mie? Kailan po due mo? Open na po ba cervix mo?

same here.. 39 weeks today.. nag pprimrose naman ako, exercise

same po tayo 39 weeks and 2 days walang pang sign of labor.