βœ•

615 Replies

Sa first baby ko Santol po ang pinaglihian ko and until now sa 2nd baby ko sa tummy ko taht turning 5months still santol pa din po. πŸ˜… Ang nakkatuwa pa ayaw ko sila kainin gusto ko lang sila pagmasdan πŸ˜‚πŸ˜… kaya may pagkakataon na nabubulok nalang sya na Di ko pa nakakain hahaha. Even my Husband Di pedeng galawain o kainin ang Santol ko. Ang weird but the feeling and emotion was uncontrolled basta masya ka sa ganun na sitwasyon. All of us have our own lihi days and it was really hard for the 1st semester but as time goes on and nakamoveforward kana sa stage na un. Mapapasmile ka nalang sa mga weird moments mo. Take care mga kapwa ko buntis enjoy sleep and kain pa more 😘😍❀️

VIP Member

Yes, unang cravings ko sineguelas sobrang nahirapan kami maghanap since during lockdown last year yung first trimester ko. Finally nakahanap na kami at nilantakan ko, ended up sinuka ko rin lahat dahil super selan ng baby boy ko. πŸ˜… Pero pinaka naglihi ako sa sinantolan at suha πŸ₯° Then during my third trimester naman Chickenjoy with Jolli spaghetti 🍝 🀀 ang hirap pigilan lalo na pinagddiet na ko ng ob ko that time hahaha kaya takas takas lang paminsan πŸ˜… May mga cravings naman ako na kapag di nabigay agad ni hubby iniiyakan ko talaga hahaha pero pag nandiyan na parang di ko na ganun kagusto.

Yes, I think all pregnant woman are. Although iba iba ang paglilihi na nararanasan ng mga buntis. May mga maselan, meron naman hindi. As for me, I can say na hindi naman ako naging maselan when it comes to pag lilihi. Didn't experience the so called morning sickness. But I can say that lahat ng senses mo when you're pregnant are very sharp. Especially sa pang amoy. Ako kasi nung naglilihi, I didn't like the smell of chicken, di rin ako kumakain. Buti na lang it last for 2mos and after that wala naman.

yes naranasan kong maglihi.. nung una d ko alam na buntis ako. sobrang galit ako sa hubby ko. everyday ko inaaway. hanggang sa nag pt ako at nalaman nmin positive sabi ng asawa ko. kaya pala galit na galit ka skn ako siguro pinaglilihihan mo.. pero ngayun 14 weeks preggy na ako naglilihi tlga ako sa spagetti at gusto kong iulam sa kaninπŸ˜… sana matapos na ang pag lilihi medyo mahirap din kasi lalo na suka ako ng suka araw araw.. godbless po sa inyo . thanks in advance😍

First baby: Pancit canton and egg 2nd baby: Minute burger and margarine 3rd pregnancy: Siomai anfd ketchup Pero most of the time si Mister naglilihi. Gigisingin ako ng hating gabi akala mo sya ang buntis kasi gusto nya kumain ng lemonsito na may asin at suka, ako pa talaga magbabalat. πŸ€¦πŸΌβ€β™€οΈπŸ˜ From 1st 2nd 3rd pregnancy sya kadalasan naglilihi. May mga cravings din naman ako pero sya grabeeee. Kaya sya lang tumataba samin hahahaha

nung 1st trimester, isa lng iniyakan ko na food. at yun ay ang lechon.. naghanap ako nang lechon, at dahil gabi na, kahit saan na kami naghanap pero wala na talaga. kinabukasan, nagpunta kami sa food court ng mall, so happy dahil sawakas, meron na . kaso 3 subo lng, ayaw na agad.. hahaha ayoko ko din sa kahit anong luto Ng isda. sobrang baho talaga nun. hehe πŸ’žπŸ’žπŸ’ž

Noong di ko pa alam n buntis ako, bigla akong nagkaroon ng matinding cravings s mg fruits. Tuwing makakakain ako ng fruits parang sobrang refreshing sa feeling. Kaya lagi ako nagbibilin sa asawa ko pasalubungan ako ng prutas (wala namang partikular na prutas) tapos naiinis ako kapag wala siyang dala pag uwi.

VIP Member

Yes po. Una ko pong hinanap is Spam po then kalaunan naadik ako sa cloud 9 πŸ˜‚ Sa cloud 9 lang ako di nag suka πŸ˜… Kapag sinasabi kong sa cloud 9 ako nag lihi madalas sabihin ng mga tao kaya daw maitim ang anak ko. Natatawa nalang ako πŸ˜‚ Proud morena ako, kaya morena din si baby 😍

yes po. naglilihi ako sa carbonara and singkamas kaso di ako makakain kasi ang hirap makahanap ng mabibilan and nasusuka at hinihingal ako tuwing nakakaamoy ako ng baby powder, instant noodles and even sa amoy ng sinaing 😩 sana makaalis na ko sa stage ng paglilihi.

VIP Member

Yes, naglihi ako sa inihaw na baboy like nung sa first baby ko pero ang puti nya hahaha kaya di ako naniniwala na kung ano ung pinaglilihihan mo un magiging kulay ng anak mo paglabas .. ano un pag naglihi ka sa manggang indian green anak mo hahaha

Trending na Tanong

Related Articles