Constipation (almost 35 weeks)

Sino po sa inyo nasa 35 weeks. Di pa rin ako makatae mag to two weeks na po. Nakaranas kasi ako ng preterm labor symptoms at 34 weeks at malikot din si baby kaya nakakatakot po ipilit tumae at umire at baka ano pong mangyari. Pero bandang pwetan parang gusto na magjebs. Puro magagaan lang din kinakain pero di pa rin makatae. Kayo po ba? Mga ganitong linggo tumatae pa po kayo? Or hintayin ko nalang po kung kelan man lumabas.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako dati mi pinakamaha 1week...pero pag tungtung ko ng 3rd trimister panay kain ako ng ripe papaya tas ginagawa kong papaya shake ...ngaun di na ko nag coconstipate every other day na ko nagpopoops..

10mo ago

sige mhie gawin ko rin yan. tigas talaga ng poop ko natatkot na ako umire kaso grabe ung discomfort 😫

keep hydrated. eat ng high fiber foods like veggies. if wala pa din visit OB, meron sila nirereseta para di mahirapan dumumi. and wag pilitin if hirap talaga. lalo at iire.

Magbasa pa
11mo ago

okay mi. oo nga ayoko ipilit umuutot lang muna ako hanggat kaya. baka kasi ano pa mangyari lalo't nakapwesto na si baby ko.

34 weeks na din me today, pero regular nmn pagdumi ko. more fiber kinakain ko and 1 fruit per meal ako. also pag inom tlga ng tubig.

10mo ago

ayun nga po e. matagal na kasi akong constipated even before pregnancy kaya nagworsen sya during pregnancy. going 36 weeks and di pa rin ulit ako nakakatae. natatakot na ako umere kasi nakapwesto na si baby sa baba.

Drink ka ng prune juice ni del monte or kung ano available tapos orange ka at grapes

11mo ago

noted po, thank you!!

Lactulose reseta ni OB but if its more than a week consult ur OB.