10 weeks pregnant pap smear

Sino po dito nirequire ng OB nila na magpapap smear? Kanina po pinap smear ako ng OB ko and ayun nagkaspotting po ako. Sabi nya normal daw po pero napaparaning ako at medyo masakit na puson ko 😶

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

VAGINAL BLEEDING SA FIRST TRIMESTER (Less than 14 Weeks) 1 out of 4 na buntis ay nakakaranas ng spotting or vaginal bleeding at some point ng kanilang pagbubuntis, lalo sa first trimester. Madaming dahilan ito, may mga serious causes, may iba naman na hindi. Iba iba ang dahilan sa bawat trimester. 🌀 ANONG PAGKAKAIBA NG BLEEDING AT SPOTTING? Ang “Spotting" ay ang discharge na kulay pink, red, or brown blood, pero hindi puno ang pad. Ang “Bleeding" is a discharge ng red or reddish blood na napupuno ang pad. 🌀 ANG MGA KADALASANG DAHILAN NG LIGHT BLEEDING OR SPOTTING SA FIRST TRIMESTER NA HINDI DAPAT IPAG-ALALA ✅ 1. Implantation Bleeding - Nangyayari ito ilang araw bago or pagkatapos ng expected period - May kasama itong cramps. Ang pagdurugo ay tatagal ng 3 hours to 3 days at walang itong clotting. Light pink or brown ang kulay nito. ✅ 2. Minor Vaginal or Cervical Injury - Nangyayari ito after sex, or after mag-examine or speculum exam ng OB mo sa yo, or after a vigorous exercise - Hindi ito dapat ikabahala dahil nawawala ito ng kusa. Ang increased blood flow sa mga vagina at cervix ang dahilan kaya madaling magdugo ang mga ito . ✅ 3. Cervical Polyp - Nangyayari ito after sex, or after mag-examine or speculum exam ng OB mo sa yo, or after a vigorous exercise - Ang Polyps (benign growths) ay nagdudugo during pregnancy dahil sa increased blood flow at mas mataas na estrogen levels. ✅ 4. Unknown Benign Cause - Minsan hindi malinaw bakit nagdurugo during pregnancy - Importanteng i-note ang kahit na anong bleeding at simptomas na maramdaman mo para makakuha ng madaming information ang provider mo at mabigay nya ang best possible care. ‼️‼️ Ang mga karamihan ng pagdurugo during pregnancy ay hindi dapat ikabahala at hindi nagdudulot ng miscarriage. Kapag may heartbeat ang baby sa ultrasound, 90% ng mga buntis na may bleeding ay magkakaroon ng successful pregnancy. 🌀 GUIDE PARA MALAMAN KUNG BAKIT KA MAY SPOTTING SA FIRST TRIMESTER 💗 PINK SPOTTING 🔆 Mga Dahilan - Natirang blood from implantation - Minor na injury sa cervix - Cervical Polyp 🔅Dapat Gawin - hindi dapat ikabahala dahil normal ito sa early pregnancy 🤎 BROWN SPOTTING 🔅Mga dahilan - old blood na galing sa period - Natirang blood from implantation - Gumagaling na injury sa cervix - Maaring madislodge ang old blood after a sexual contact or after a pelvic exam 🔅Mga dapat gawin - mas concerning ito kesa sa pink blood dahil mas madalas na marami ito. Although madalas na hindi ito dapat ipag-worry, magandang iinform mo pa din ang provider mo. ❤️ RED SPOTTING 🔅Mga dahilan - Implantation - Gasgas sa vagina or cervix - Miscarriage - Ectopic Pregnancy 🔅Mga dapat gawin - kapag nakita ito, huwag iignore pero huwag din masyado mag overthink na nakukunan ka na. Inform mo ang provider mo kapag nakaranas nito. 🌀 MGA POSSIBLENG DAHILAN NG HEAVIER BLEEDING DURING EARLY PREGNANCY ✅ 1. Miscarriage - hindi lahat ng bleeding dito ay ibig sabihin ay nakukunan ka na - More than 50% ng mga dinurugo sa first trimester ay hindi naman talaga nakukunan. - Nasa 10-25% ng pregnancies sa first trimester ang natutuloy na makunan. - Ang ibang symptoms na dapat bantayan‼️ ✳️ cramping ✳️ paghilab ng matres ✳️ moderate to severe back pain ✳️ paglabas ng fleshy tissue sa pwerta ✅ 2. Ectopic pregnancy - ito ay ang pagbubuntis na kung saan ay nag-implant ang embryo sa labas ng matres, kadalasan ito sa fallopian tube. - Nangyayari ito sa 1 out of 50 pregnancies. - Ang simptomas nito ay ❗️bleeding ❗️stabbing pain in the lower abdomen ❗️pagkahilo ✅ 3. Infection of the Vagina or the Cervix - ang dahilan nito ay mga sexually transmitted infection at iba pang uri ng infection - Ang ibang symptoms na kasama ay abnormal vaginal discharge, sakit sa tyan at lagnat. 🌀 IBA-IBANG URI NG BLEEDING SA PAGBUBUNTIS 💗Pale Pink - huwag masyadong mag-worry 🤎 Brown - means old blood. Hindi ito new bleeding. natirang blood lang ito na lumabas lang at a much later time ❤️ Bright Red - bagong bleeding na maaring active or ongoing. Inform mo agad ang provider mo ⚠️⚠️KELAN IINFORM AND PROVIDER?⚠️⚠️ ‼️ Dapat ma-evaluate lahat ng bleeding ng provider nyo kaya iinform nyo ang provider. Contact-in agad ang provider or pumunta sa hospital emergency room kapag: ‼️ May Moderate to heavy bleeding ‼️ Bleeding na may kasamang pain, cramps, fever, chills or paghilab ng matres Ang management ng bleeding ay depende sa dahilan nito kaya kailangan maimbestiga.

Magbasa pa

Yung ibang OB mi nirerequire talaga yan para makita if may infection. Ako hindi na kasi yearly ako nagpapa papsmear

Alam ko bawal yan e. Ang papsmear para lang sa ndi buntis test ng similya yan.

2y ago

test po iyon para malaman kung may problema sa cervix at kung may mga infection si mommy like yeast infection or bacterial vaginosis na dapat agad gamutin if preggy dahil delekado sa baby.