The other woman

Sino po dito mga nabuntis ng mga pamilyado na or family man? Pano niyo po hinahandle mag isa ang pregnancy ninyo at pagpapalaki mag isa sa anak ninyo? May support po ba from the guy, kahit moral o financial? 😭 Di na kasi nagparamdam since malaman na buntis ako, tinatanggi pa.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

4yrs kmi ng ama ng anak ko pamilyadong tao kmi na dalawa kaso nuong nging kmi my mga sariling kinakasama na dn mga asawa nmin,pero ngaun hiwalay na kmi dhl simula nuong nag buntis aq puro stress nlng bnigay niya da akin,pero alam ng pamilya niya na buntis ako.I'm 25weeks pregnant..

I think, mas okay pong ilayo niyo yung sarili from the guy. Kasi po either magsasakripisyo kang kalimutan siya para sa inyo ng anak mo o isasakripisyo mo sitwasyon niyo ng anak mo para sa lalakeng walang paninindigan. Too much stress can cause danger sa inyo ni baby.

Be strong sis. At sana makahanap ka ng lalaking walang sabit dahil ang sarap mag buntis ng may karamay ka. May mga lalaki lang talaga na sadyang duwag. Wag mong ipilit sa kanya ang bata kung hindi niya inaako. Stress lang aabutin mo nyan. Be healthy para sa baby mo.

Huwag na huwag mong hayaang malaman ng legal wife or family niya na nabuntis ka niya mommy. Malaking ebidensya yan ng adultery or concubinage. Kulong po abutin mo niyan. Itago mo na lang po at palakihin mag isa yang anak mo. Ilayo mo siya sa gulo kumbaga.

walang habol sa support unless akuin ng tatay ang bata sa b.cert..sa ganyan since alam mo na pumatol ka sa may asawa, face the consequences of your decision. If you want a peaceful life in the long run, just raise you child alone.

VIP Member

Huwag niyo po isipin yung lalaki kasi baka malaman po ng asawa malaking gulo po yun especially if kasal po sila. Be strong nalang po para sa baby. 😇 Isipin mo nalang po na may pamilya ka at kaibigan na gagabay sa inyo ni baby. 👼

Nagkamali ka sis sa mga naging desisyon mo. Pero wag mo na dagdagan pa pagkakamali mo. Ituon mo na lang atensyon mo sa baby nyo. Wag mo na asahan yung nakabuntis sayo. Palakihin mo sya ng ayos. Seek help from your family and friends.

VIP Member

If pamilyado sya at may legal na asawa pwede pa kayong dalawa makulong if mapatunayan na sa kanya yung bata. Pwede ka naman mag demand ng child support kaso ready ka ba pag kinasuhan kayong dalawa ng legal wife nya?

mommy hayaan nyo na po. lalo't alam nyo na pamilyado na. may kakilala po ako na same ng situation nyo po. mag 5yrs old n yung bata pero never pinakita sa tatay.

Haaay bakit kasi pumatol sa pamilyado? parang mauubusan ng lalaki. enjoy mo yang buhay nyo ng anak mong illegitimate salot kayo

4y ago

Hi mommy na ngcomment, we all know na may kanya2 po tayong opinions about sa mga questions dito ng mga mommies but be sensitive when answering lalo’t emotional tayong mga buntis at pwede ka pa po makadagdag sa pinagdadaanan niya... ngkamali po siya at alam niya sa sarili niya po yun at siguro may pinagdadaanan din po kayo ng same sitwasyon niya pero kabaligtaran ikaw ung legal wife... lahat po tayo hindi perfect at nagkakamali ng decisions pero we must learn from that and wag na po nating pasakitan higit sa lahat ang mga batang wala namn pong kinalaman sa kung anong nagawa ng nanay niya...