24W AND 5D

Sino dito kagaya KO na packaging nagugutom at nauuhaw na.. Pansin ko parang ora's ora's n along gutom...

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same here! 24w and 5d na rin ako now. Pansin ko yun nung nagpalit ako ng multivitamins. Okay lang po yung madalas kumain basta small, frequent meals po. Wag sosobra kasi hirap naman pag nagka GDM tayo and baka lumaki masyado si baby, tayo din mahirapan

yes, momshie ako din. 25 weeks. pagpasok ng 2nd Trimester lageng gutom and gusto ng malamig na inumin. kaya marame kameng biscuit para kapag nagutom, may agarang makakaen. di na din ako nabubusog sa Oats. As in Kanin is Life talaga.

Same here mi, 24w & 4d. Palaging nagugutom. Yung halos kakakain mo lang then makalipas isang oras nagugutom ka ulit. Taz sa water more than 2ltrs ang nauubos ko a day.

me too mommy 25weeks lagi kumukulo sikmura sa gutom at nauuhaw kaya gustong gusto ko palaging umiinom ng malamig na tubig