ANY ADVICE PLEASE!

Hello, si baby boy ko po Okay lang po ba na halos oras oras nakasalpak lang sa dede ko si baby? Magising lang saglit gusto dede, basta pag nagigising siya gusto niya lang nakadede. Pag pinadighay parang gutom nanaman gusto dede kaagad laging nakanganga. May time na nagsusuka na sa sobrang gatas (Overfeed) tapos kapag natutulog mabilis magising kunting ingay o kaluskos gising agad kunwari may nahulog na kutsara o kahiy ano lang. Mixed feeding po ako every 3 hours interval ko sa bottle pero sa breast feed napaka saglit na pahinga lang tas dede nanaman siya. His 1 month and 24 days.#firstbaby #1stimemom

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hello po mommy Ellaine. wala pong overfeeding sa breastfeeding. if need niyo po ng advice may fb group po na BREASTFEEDING PINAYS. and ang advice po ng mga breastfeeding advocates at doctors ay "feed-on-demand" sa mga bata kapag breastfeeding. ibig sbhn kung gusto po niya dumede ng breastmilk okay lang po iyon. may overfeeding lang po sa formula milk, since mixfeeding kayo, kaya baka dun po nasosobrahan ☺️

Magbasa pa
2y ago

Thank you po. 🥰

TapFluencer

ganyan si lo nung 1 month dn xa .. ang ginawa ng mama ko gumawa xa ng duyan at ung unan nilagay asa ibanaw ng paa ni lo(pabigat)aun sarap mg tulog nya umaabot na ng 5hours tulog nya sa hapun at ung sa pag dd hindi na din ganun sa dati na pag nagising dd agad or dd tlaga ang libangan 😅

2y ago

try mo po unan ung ipatong sa my paa nya mi .. ganyan c lo gusto lage ako asa tabi nya,pag aalis ako iiyak xa magigising then ayaw na nya matulog 😅

VIP Member

Ganyan din po si baby, mag 2 months na sya now. Mabilis din magising si baby dahil sa startle reflex and gusto lagi nakadede, oks lang po yan, may growth spurt po ng 6-8 weeks mga baby.

hays, same mamii. tuwing naggising iiyak tas dedede. di nga sya gumigising ng hndi umiiyak. nakakastress di ko maintndihan kung may masakit ba o ano. di kasi natahan kahit padedehin

2y ago

Baka di napapa burp momsh o kinakabag.

VIP Member

yes po okay lng po mi. gnyan dn po baby ko turning 3 months.

2y ago

Nag fo-formula din po ako pero yon may interval every 2 to 3 hours.

Ganyan din saakin every hr gising 🤣

2y ago

Oo nga mi 🤣