masama akong tao

share ko lang nafifeel ko gusto ko ng tapusin ang pregnancy ko, magulo ang isip ko, pagod ang katawan at isip ko. alam ko na mali tong nararamdaman at naiisip ko dahil maraming babae ang gustong magka anak at ako maswerte na biniyayaan at alam ko na pag sisisihan ko ito sa huli, kaso hindi maalis sa isip ko na sana hindi na lang ako nabuntis. alam ko ang sama kong tao. may pagkakataon na gusto ko na din tapusin sarili kong buhay para matapos na ang lahat, gusto kong magpahinga. pagod na ako.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kahit gaano po kahirap ang buhay piliin padin po natin isipin ang mga positibong bagay, kahit minsan po madali itong sabihin pero mahirap gawin wag nyo po susukuan ang inyong baby gawin nyo po syang inspirasyon upang mag patuloy sa buhay at pag dating ng araw na maisilang nyo na po sya at makarga sana po maramdaman nyo muli ang pag asa, may dahilan po ang lahat ng nangyayare wag po kayo mawawalan ng pag asa nakakalungkot isipin na may mga kababaihan na nakakaranas po ng tulad ng sainyo kaya po natin ito wag nyo po kakalimutan humingi ng tulong sa may kapal.

Magbasa pa