Kung sa akin lang, ganun din po ako. Ayaw ko sana at wala talaga ako sa mood pero at the same time, naiintindihan ko rin ang asawa ko when he shows anger or frustration kapag nirereject ko sya. Nung una sobrang iritable at nagagalit talaga ako kapag naga-aya sya but now we try to make it work and compromise. I realize that it's unfair rin naman sa kanya. Oftentimes, ako ang pinagbibigyan nya in a way na hindi sya nagpupumilit kapag ayaw ko, kaya may times naman na pinagbibigyan ko rin sya kahit ako ang may ayaw.
It's been 3 yrs since nawala yung dating libido ko, but regular pa rin ang contact namin ni hubby. Pinakamatagal na sigurong wala nung mga 3 or 4 months post-partum ko na ayaw ko talaga.
I also think it's important in keeping our relationship healthy, and preserves our intimacy. ☺️
Magbasa pa
Domestic diva of 1 handsome boy