3 Replies

Medyo malabo yung picture pero rashes po ba yan? Kasi if yes, make sure po na mapalitan agad ang diaper ni baby tuwing nawiwi or pupu sya para hindi mababad sa maduming diaper ang balat nya. Ang ginagawa ko sa baby ko (per advice ng pedia nya), kapag tumae sya, hinuhugasan namin ng slightly warm water and Lactacyd ang pwet para malinis. Wag wet wipes kasi masakit sa skin at maiirita kakapunas dahil may pagkagaspang ang wet wipes. We also put "Rashfree ointment" para maprevent rashes. Wala pa 200 pesos yan available sa mga drugstores at gawa ng Unilab. Kapag naman wiwi lang, pinupunasan namin ng malinis na bulak na sinawsaw sa warm water. Make sure pigain ang bulak para di naman masyadong basa. Usually nakaka 3 na cotton balls kami. Bago ilagay ang bagong diaper, make sure tuyong tuyo ang balat para di magkamoisture. Dampi dampi ng gentle lang din ng cotton towel or cloth pag nagtutuyo (wag i-rub). Then saka mo apply RashFree ointment pag tuyo na balat. Hopefully umokay na baby mo.

calmoseptine po try Nyo ganyan din sa baby ko effective po sya hopefully sa baby Nyo din po

okay lang naman po basta yung may part ng may rashes nya Pero linisin Nyo po muna at tuyuin bago pahidan malamig po kasi ang calmoseptine nkkginhawa sa knila kasi mahapdi po ang rashes at Makati

calmoseptin

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles