High school kami non sa aming probinsya. school mate /batch mate kami. ako ang pinaka mabait sa section namin siya naman ang pinaka sutil sa kanila. my mga bisyo sya pala barkada makulit. playboy (kahit d naman ka pogian). nagtataka pa mga kaklase ko bat sya pa nagustuhan ko, sa kasamaang palad d ko rin alam ang sagot 😅😅 . almost 13 years na kami, 6 years na magka live.in. at ngayon nag.aantay na ng 2nd baby namin.
nag umpisa Ito nung last year nung nag umpisa Ang lockdown, may bakery Po kase ung Kapatid ko and nawalan Po sila Ng trabaho naging supplier Po sya Ng mga tinapay Ng kuya ko and lagi ko Po sya nakikita nun dito samin at ganun din sya,hanggang SA ipinagtanung nya ung account and chinat nya ako Kung pwede manligaw, Sabi ko naman po oo, hanggang SA nahulog na din ung loob ko sakanya and now 1year na Po kami nung May 16
Kawork ko sia dati sa fastfood. Naging magkaibigan. Naging crush ko sia. Nalaman kong type sia ng manager namin kaya. Nag lilow at hndi ko na sia pinapansin. After 3months. Nag resigned at itong pandemic. Bumalik ang chat conversation namin at nag confess sia na matagal na siang may gusto sa akin. 😁😂😍 And then until now 🥰 happy ako at sia ang naging boyfriend ko at magging dada ng first baby namin 🥰
s trbho q ngstart ung lovestory nmin..customer q sya..napaka kulit nyang customer..dhil mahaba pasensya q..ngkasundo kmi s items n gusto nya kapalit ang no q tpos mula nun lagi nya n q pinupntahan s store pra yayaing kumain s labas..pu2nta sya pg malapit n q mgbreak time or malapit n q mgout.hnggng s kmi n ngkatuloyan. since 2015 p kmi..going strong p rin pgsasama nmin at ngyn mgkaka baby n kmi😊😊
nireto ng bestfriend ko na guy kasi puro bad boys daw napipili ko at nasawa na siya sa mga reklamo at rants ko sa lovelife kaya for the first time nagreto na siya ng kaibigan niya na "nice guy" 😂pinagbigyan ko lang sa 1st date pero sobrang opposite kami ng ugali at halos wala kami same interest, walang attraction at first pero weirdly enough, we're a match. now, we're expecting our first baby. 😁
our love story nag start sa Facebook. inadd niya ako at nag hi siya sa comment ng post ko. nasa abroad ako that time . 2019 and 2020 hinintay niya ako maka uwi nag pandemic pa pahiran ng pag uwi finally naka uwi ako last December. first time meeting palang namin pinakilala na ako sa parents niya. last February nag pakasal kami at ngaun magkaka baby na kami. 😍
Our love story started during our college days, mg classmate kami..He's my first and my last, we've been 12 years in relationship as bf/gf, weve been through lots of obstacles but with faith, hope, and love, we've decided to get married after 12 years. Last year lang kami kinasal, and now we're expecting our bundle of joy 4 months from now..
asaran sa inuman tas napikon si misis sinampal ako tapos dec 28 pumunta ako sa bday nya tapos naglalaro kami bahara kwentuhan tapos nagkatitigan nong tapos na yong inuman kumain kami ng tapsi ni beth tapos don na nya ako sinagot syempre tuwang tuwa ako sobrang saya nong araw nayon kase yong dating tropa lang asaran sa fb asaran inuman enagkatotoo
Year 2010, Dahil lang sa profile picture ko, minassage niya na ako ng "Hi, anong cp number mo?" Ako naman dahil uso ang paramihan ng textmate, ibinigay ko ang cp number ko. Haha at dahil sa calculator nagkita kami, nangailangan ako that time ng sci.cal dahil sa algebra subject ko. That's how it started. After 10year of being bf/gf Married na kami. :)
Yong mga friends nya roommate ko sa boarding house at lagi sya pumupunta don. Kaya nagcross yong landas namin..doon sa lagi nagpapahinga sa bed ko pag wala ako. Pati kumot ko ginamit na. Pero di pa kami nagmemeet noon. Pag meet namin nainlove na sya.. Siguro dahil sa kakaamoy ng beddings ko prior pa sa pagkakita namin.. Hahahah🤣🤣🤣