393 Replies
ngkakilala kme thru fb chat online actually di ko sya close my mutual friend kme yung pinsan ko lalaki then inadd ko sya kgroup sya ng pinsan ko sa motor . then lgi lng ako ngrereact sa mga post at dp nya sa profile kc crush ko sya kc dancer eh diko akalain sa simpleng react ko mppnsin nya ako 🥰🥰🥰 kinkilig pa rin ko hahaha pg naalala ko yun crush plng yung dti kc my bf ko nun that time then mga november 1 exact nun nkpgbreak exbf ko then after nun dko akalain mgchchat yung guy na crush ko ngchat sya skin nun na mlapit kba sa lugar na gnito tas sabi ko hnd sbi ko pa nun mgkakilala ba tau then sabi nya hnd daw then after nun ngtnong na sya kaano ano ko raw yung mutual nmn then after nun get to know each other na kme then ngyon mgkkababy na kme 🥰🥰🥰
Nakakatawa pero ate ate niya ko, college ako that time at nagiipon ng pang internship kaya tinda everywhere ako, nag order siya ng cetaphil soap for her ex tapos one day bigla ko nalang inunfriend ung ex niya kasi naghiwalay sila eh hindi ko alam bakit ko inunfriend, knowing na bigay lahat needs bakit pa niloko. Tapos after 2 years nakapagtapos na ako at naghahanap ng trabaho, luckily natanggap ako, bigla niya akong ininvite sa ML, tapos hindi na natigil ung messages namin, deployment ko bigla ko tinanong ung terminal malapit lang pala sakanila edi yun chika nanaman. Tapos ayun nagka spark haha. First boyfriend ko siya, samantala ako, 20th gf niya, but all went well, engaged kami nung 2018. Last February 23 yung civil wedding namin.💗💗💗
cashier ako sa Mcdonalds and customer sya. may katrabaho akong tropa nya pero di ko sya kilala non. then pinapaabot nya yung mga pagkain na pinapabigay nya para sakin kahit di ko pa sya kilala at nakikita. nainlove daw sya sakin na love at first sight ❤ until pag napapalipat ako ng destino, Nagulat ako non ang haba ng pila ko, then nung sya na, nagsabi sya na sya daw yung nagbibigay sakin lagi ng food which is (spaghetti kase fav ko) ayon inaraw araw nya ko sa spaghetti di ako naumay ahahha bago sya pumasok sa work nya as barista sa maynila. until now, kahit may isang anak na at di na kasing payat at ganda noon, inlove pa din daw sya and binibilhan pa din ako ng spaghetti. ❤ kaya masasabi ko talagang " love ko 'to ❤💙"
#QOTD nag umpisa po love story namin ni mr. sa company na pinagtatrabahuan namin. naalala ko kuya p tawag ko sa kanya kc halos lahat don ate kuya nman tawagan 1 time tinawag ko kuya ng kuya sabay sabi nya wag moko kininu kuya mamahalin p Kita ayon narinig ng buong line at supervisor namin kaya ayon tinutukso n kami halos araw2 kunyari p nagtataray aq pero deep inside I feel something yun n pala yong sinasabi nilang kilig hanggang sa hatid sundo sabay n sa pagkain sa break time diko alam nanliligaw n pala yun so pa hard to get kunyari aq syempre 1st boyfriend at all now I'm proud to say n sya nka una at sya ang magiging asawa ko 10 yrs married hoping for the price I claim it for may bday🙏🏼🙏🏼🙏🏼
Nagstart ang lovestory namin ng hubby ko through his younger sister na kateam mate ko sa Broadcasting & Journalism way back our high school days. Same kami ng pinapasukang school, 1 yr. ahead lang sya sakin so senior ko sya. Palagi nya akong nakikitang kasama ng sister nya twing sinusundo nya ito after ng practice time sa broadcasting room. Pero nanligaw sya nung malapit na akong grumaduate ng college. Nagchat sya sakin at nagpaalam n manligaw. Nakita daw nya uli nung alma mater reunion & took the courage to court me since noong highschool pa sya may feelings sakin pero natorpe. He courted me for 5 months & I finally said YES during my graduation in college. After 4 yrs, we now have a daughter🥰
nung hawakan ko yung kamay nya😆 iba nman ksi yung nasa isip ko nung time na yun. patawid ksi kmi sa mabato at maputik na daan papunta sa bahay nung kapatid ko, tpos nuuna sya nun ako nasa likuran nya nkita ko ksi yung kamay nya na sumisenyas sa likuran nya. akala ko gusto nya iabot ko sa kanya yung kamay ko pra alalayan ako ksi nga madulas tlaga sa daan.. kya gnun gnawa ko..nung pag hawak ko sa kamay nya nanlaki yung mga mata nya sabay tnong "bat mo hnawakan yung kamay ko"? 😕 nagulat din ako sa cnabi nya dko magets kaya ayun hnila ko na lng sya hindi ko bnitawan yung kamay nya😄 khit hanggang ngayon gustong gusto ko hawak lagi kamay nya khit anong oras...😍
website sa isang bigo habang nag lilive siya pumasok ako sa live Niya kase nakita ko sa emojie na nakatag is malungkot pumasok ako. . .nagiisa lng sya sa live nong pag pasok ko nong una hnde kme nagkakaintindihan kase Sabi Niya maldita daw ako magsalita pero don pla mg sstart na maging magkaibigan kame ilang days pa Ang nakalipas nag live Ang kaibigan sa bigo din hanggang sa tuloy tuloy na parati kme magkasama sa live Kung saan ako pupuntang live andon din at pag nag lilive ako anjan sya parati sa Tabi hanggang sa naging kme at ngayon. . . .umabot kme nang 1year and 4 months. . . .at ngayon buntis ako sa first baby nmin na 7 months na. . . .🥰🥰🥰🥰
sa quiapo church.. pareho pala kameng namamanata that time every friday .. pero hindi namin alam .. classmate kame 3rd year high school ..sa last day ng panata nya ang wish nya kung sino ung makikita nya sa simbahan na nakilala nya yun na ung ibibigay ni God na partner nya for the rest of his life.. sa sobrang daming tao sa quiapo every friday .. nagkita kameng dalawa .. kaya pala sya nakangiti pagkakita nya sakin un pala iniisip nya ung winish nya .. ahead sya sakin ng 4 years .. in short, 2013 naging kame 2016 kinasal kame ngayon biniyayaan na kame ng baby ..❤❤❤👪🥰🥰🥰
actually hating gabi na yun nung nagchat siya sakin eh kc kilala ko lang siya sa church yung friend ko friend din nya pero di kami close ni hubby nun. hanggang sa araw araw na kami magkausap sinusundo na niya ako sa bahay para sabay kami pumunta sa church. tapos after ng gawain sa church nung gabi hinatid niya ako sa bahay tapos sabay sabi "iloveyou christine" ayyyyy ang ate nyo kinilig ng bongga nagsimula siya manligaw sakin tapos july 28, 2015 sinagot ko na siya. at itong last yr. feb. 2020 mag asawa na kami at may isang 8 month old baby girl na kami 💕😍🤗✨
high school crush ako ni hubby. magkalapit university namin during college days lagi nya kong nakikita alam na alam nya kung saan kami madalas tumambay ng barkada ko. pero akala nya that time bf ko yung isang friend ko na bisexual kasi lagi ko daw kasama and kasabay sa pag uwi dahil nga same route yung jeep na sinasakyan namin. then ayun after a decade saka lang sya naglakas loob and take note we are married now and expecting our first born by this year. 💕 God really do works in very mysterious way at the very unexpeted time. 😊