Mababang tiyan
Hi sa inyo. 🥰 I'm 32 week pregnant po. Normal lang po ba na mababa na tiyan ko? karamihan po kasi yun yung pinupuna sa akin. Nag-ooverthink po ako kasi ramdam ko din o yung pressure sa may pelvic area ko. Natatakot ako na baka mag pre term labor ako. Wag naman po sana, 🥺🤞

Nakoooooo. Di ka po nag iisa Mi. Mababa rin tyan ko at 32 weeks now. Konting galaw, masakit sa pem² banda. Nakabreech pa nga. Breech, tapos transverse lie, tapos breech na naman sya, tapos ngayon feeling ko nakatransverse lie na naman to. Ewan ba. sa tuwing natatagalan ako sa pagkatayo or lakad, natigas na agad tyan ko parang semento. Kamakailan nga eh nagka 10 days bed rest ako. May nireseta sa akin na isoxilan at heregest. Pinakumpleto pa dexamethasone 4 injects 12hrs interval para raw magdully mature lungs ni baby if ever lumabas sya na wala sa oras. Sana naman malampasan namin to hanggang maabot 37 weeks. Anlayo pa pero malapit na. Jusko, hirap talaga gumalaw ganito kababa ng tyan. Isang palad bakante pagitan sa dibdib ko at tiyan na naumbok. Di na ako natutuwa sa discomfort kapag nagalaw si baby biglaan. Ang sakit ng sipa talaga. Di naman ako nagbleeding pero nagkapreterm labor. Ingat na ingat sa pag galaw. Hirap maglakad. Parang isang ruler lang pagitan ng hakbang ko. Ewan Mi. Ikaw ba? kamusta.
Magbasa pa

