Please enlighten me mga mommies
#respect Hi po mga mommies, first time mommy here. Concern ko lang is due date ko na po ng Nov 7, then next ultrasound ko naging Nov 12 tas ung recent ko pong ultrasound is naging Nov 18. Last ultrasound ko ang sabi ng Ob saken mataas pa daw si baby then sabi ng Ob saken ang susundin daw po is ung pinakaunang ultrasound ko which is ung Nov 7. Kaso until now no signs of labor padin po ako. Ilang days nadin ako naglalakad lakad kasama partner then after non medyo sasakit ung balakang ko tas after a while ookay sya. Pero until now wala padin ako nararamdaman na humihilab ung tiyan ko. Malikot padin naman si baby and may time na tumitigas ung tiyan ko. Hindi ko kasi alam gagawin ko kung magpapa induce naba ako tomorrow. Thank you po sa mga mommy na sasagot 🙏🏻🥰