#QOTD Friday: Magkano ang inaabot ng monthly grocery mo? List down your breakdown!
TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

Magastos kami mag iina Lalo at apat na bata si hubby bukod budget non at malayo man sya mahirap ang trabaho kaya hinahayaan ko sya kumain ng gusto nya ganun din sa mga bata ako lang nagtipid sa pagkain. Budget namin kasama lahat 15k minsan sobra pa sa sobrang mahal ng bilihin hays grabe inflation ngayon
Magbasa pa2k every week para sa fresh foods, so 8k per month po, siguro 3-4k sa ibang food at non food (kape, de lata, noodles, sabon at alcohol) hindi pa po kasama gatas, diaper at vaccines ni baby at binabayaran na sasakyan 😅 4 lang po kami sa bahay (father ko at mag ama ko) at 6 na puspin at 2 aspin 🥰
3k wala pang bigas niyan tapos vitamins ng mga bata importante pa naman yan ngayon may covid pero i'll make sure pa rin na may vitamins sila pati husband ko kasi siya lang nagtatrabaho sa amin at akoy nag aalaga ng mga bata.Sana palarin na manalo ako dito para pandagdag gastos namin.Maraming salamat!
Magbasa pasa totoo lang sobrang hirap talagang budgetin lalo na maliit lang ang sahod ng hubby ko kaya 3k montlhy grocery namin kasama na jan yung budget sa pang araw araw gatas lang kasi yan at diaper mga sabon para sa mga anak kasama na jan yung budget pang ulam araw araw need talaga pagkasyahin.
Sa grocery 3k to 4k budget namen for 1 month dati.pero ngayon sobrang hirap na magbudget😥ang mahal na ng mga bilihin,dagdagan pa ng madami kayo sa bahay mensan kayo lang magshoulder ng mga gastosin kaya kung dati nakakagrocery ka ng gusto mo ngayon sobra sobrang pagtitipid na😥
Kakasimula pa lang namin mag budget ulit ni mister after manganak.. Ung 2k for grocery at 2k para sa pamamalengke, di na inabot ng 15days 😂 Mukhang need na mag-adjust, kasi di pa kasama dun ang diaper at wipes ni baby.. Buti na lang breastfeeding kami, tipid pa sa gatas ❤️
Magbasa paevery 2weeks, 2-3k sa grocery lang..more on gnagamit sa pagluluto at sa mga tinapay at milk ng mga bata, di kami masyado nag iinstant noodles at delata.. si hubby bahala sa allowance ng everyday ulam at bigas💗.. minsan na lang dn kaz ako nakakalabas dahl lapit na kabuwanan ko..
Php 3,000 monthly budget including newborn needs ni baby. As of now, ganyan pa lang sya. Grocery lang yan, stock ganun hindi pa kasama yung daily meals namin. For us, need na super tipid especially pandemic talagang nagsasave kami at binibili lang namin ano talaga yung kailangan.
hindi ko masasabi kasi sa ngayon,wla tlagang mapagkasyahan dahil sa pandemic na nararanasan ngayon.wlang trabaho.wla ring pumapasok na pera,at kung meron man,nakakasya lng po ito sa gatas na 700grams at diaper na aabot ng isang linggo.bukod doon wla ng iba..so hirap tlaga...
almost 1k and up. mahirap po magbudget ng uulamin sa araw araw at meryenda at umagahan. kaya pag nag go grocery na kami bumibili na kami ng mga instant incase na tamrin o kulangin yung matirang budget may kakainin kami ni H although nakikitira muna kami sa family ko 😊



