RAINBOW BABY π¦
Positive po diba? Pwede na po mag anmum? LMP ko ay May 25. Im currently taking folic acid po I had miscarriage po kase feb this year,l embryonic demise @7 weeks (no heartbeat) sa first baby namin kaya medyo napapraning ako ngayon. Oa po ba if mgpacheck up early?
Pwede ka na po magpa check up. Mas maganda nga po na maaga ka magpa checkup. And pwede ka na din po uminom ng anmum. If di swak sa panlasa mo yung anmum, try mo po yung enfamama..
Ok po maam magpacheck up ng maaga para po maalagaan ka ng obπππππ lalo na po nag ka mis ca. ka po.... God Bless momsπππππ
Positive pero if may history kana ng miscarriage better consult ob para mbigyan ka right medicine and as much as possible bedrest para sure
ako po nung nalaman ko, nagpacheck up ako agad (: 7weeks. FTM, sayang kase mahabol ung development ni baby kaya need vitamins (:
Pa check up kana po. Pa transv ka para mas makita si baby. Congratulations po. Ingat ingat po sa pagkilos. ππππ
Pacheckup kna agad sis.. ganyan din 1st pt ko faint line ung isa.. sana magtuloy tuloy na yan.. congrats & God bless..π
Kung 7wks below pa yan wag muna antay ka ng 2-3wks para sure ka sis dami kase nadidismaya kapag early checkup e.
Pacheckup kna agad mommy, ako din 10weeks pregnant na and ngcamiscarriage din ko last yr kaya sobra praning ako.
Yes, positive po mommy. Congratulations! π Pwede ka na pong magpacheck up mommy. The earlier, the better.
Yes positive. Congrats! Punta po kayo agad sa OB para maipacheck at mabigyan kayo ng reseta ng mga vitamins.