Bleeding sa Urinalysis , Bleeding sa Almoranas , Bleeding sa I.E

Hi po. Sana may makapansin nito, 1. Posible po ba na makita sa urinalysis ang dugo na galing sa almoranas? 2. Or pwedeng galing po ang bleeding na ito sa pag I.E? Tinibi po ako at nahirapan talaga dumumi sobrang tigas po ng tae ko. May almoranas po ako at parang nagdugo dahil pagpinupunasan ko po ng tissue ung butas ng pwet ko ay may smudge ng dugo, kaya iboserbahan ko. Nilagyan ko ng magkaibang tissue ung sa pwerta ko at sa butas ng pwet, dun po sa pwet galing ung dugo. Isa pa po, Ako po ay 27 weeks pa lang at na I.E po sa ospital, nagpacheck up po kasi ako dahil nahirapan ako huminga, pero ina I.E po ako. May nakapagsabi po sa akin na bawal daw un kasi 6months pa lang po akong buntis, hindi ko po alam kung bawal po o pwede yun. Ngayon po ay May bleeding cloth sa result ng Urine ko (2-4mins). Kaya ayan po ang tanong ko, sana may makapansin 😔 Maraming salamat po sa inyo.

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply