Konting umihi si baby (Nagngingipin at may ubo't sipon)

Hi po! Need advice po. Worried po kasi ako kay baby (1 year old & 7 months) dahil mahina po syang umihi nitong mga nakaraang araw. Wala po kasi syang ganang kumain at dumede formula milk po sya, more on water lang sya. Nagngingipin po kasi sya 1st molar tapos sinabayan pa ng ubo't sipon. Sinisinat rin po sya minsan. Napapaisip po kasi ako baka UTI na pero sabi po ng mga tao sa bahay baka kaya konti yung ihi nya dahil sa di sya gaano dumedede at sinisinat dahil sa sipon at nagngingipin. May same case po ba sa inyo o kahit advice lang? Badly needed lang po talaga para sa ikakapanatag ko. Thanks. #asianparent_ph

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy wag po kayo basta basta magpapaniwala sa mga tao sa paligid unless Pedia ba sila? lalo na nagsinat na si baby mo paconsult mo po siya. Pag onti wiwi at hindi din halimbawa mapawis pwede sign of dehydration na napakadelikado