Pa advice po pls about seizure ng bata.
Hello po mommies yung anak ko po may lagnat tapos kanina umaga nagka seizure siya first time namin to ma experienced di ko ma imagine mga mommy na nagka ganun siya grabe yung taranta ko wala siyang malay na nangingisay habang nanginginig nakakagat niya ang dila niya kaya ginawa ko po hinarang ko sa daliri ko para ako nalang ma kagat2 tas biglang naisip ko yung kutsara nilagay ko kagad para makagat niya ng diin doon lang natigil seizure niya. Anyway, po tumakbo kagad kami sa center tapos ni reffer kami sa ospital normal naman po ang findings sa dugo niya as per doc po nagka kumbolsyon siya gawa nga ng sobrang tumaas lagnat niya hindi naman po siya ni confine kasi natural daw magka kumbolsyon pag sobrang init ang bata ang hindi okay is pag tuloy2 at pa ulit2 nalang kasi baka umakyat sa utak ang infection. Any advise po mommy? Sino po nakaranas nito sa anak nila pls pa share naman para aware ako.#advicepls