Tanong sa Philhealth
Hello po mga momsh! Need ko lng po ng help about Philhealth, first baby po kc namin ito kaya nalilito pa po kami. Dependent po ako sa Philhealth ng asawa ko. EDD ko po ay sa Jan 07, 2022. This 2021, nawalan ng work si husband nitong Oct & Nov. Pero itong Dec meron na po uli Tanong ko lang po, ano pong dapat gawin para maging eligible po kami sa Philhealth? Anong mga months po ba ang dapat bayaran? #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy #PhilHealth #philhealthbenefits #PhilhealthMaternityPackage

Ang sabi po dapat ay meron kayong at least 9 months posted contribution until kung kailan month mo gagamitin ang Philhealth. This is from Philhealth (nung nagmessage ako sa kanila before): Ayon po sa ating bagong polisiya, upang makagamit po ang mga Bagong Miyembro nang benepisyo ni PhilHealth, ay kinakailangan po siya ay may hulog mula sa buwan na siya ay naging miyembro hanggang sa buwan na siya ay gagamit na nang benepisyo. Para naman po sa mga dati nang miyembro, kinakailangan po na kayo ay may hulog magmula November 2019 - hanggang sa buwan na ito ay inyong kakailanganin. kapag may mga previous months kayong hindi nabayaran, need niyo sya isettle sa Philhealth office mismo kung saan malapit sa inyo (not in satellite branches sa malls) Pagdating din naman dun, igguide kayo kung anong months need niyo isettle para magamit mo ang ph benefit sa panganganak.
Magbasa pa


mother of 2 Girl's and 1 baby boy SOON