pula-pula sa mukha ni baby

hello po mga mommy, tanong kolang po ano po itong pula-pula sa face ni baby #firsttimemom

pula-pula sa mukha ni baby
5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May ganyan din ang baby ko. 2 weeks old now. Sabi kusa mawawala kaya hinayaan ko pero lalo dumami kaya sabi ng midwife na nagpaanak sakin nung nakita nya si baby. Makati raw yan. Dahil daw yan sa pagrub ni baby ng mittens nya sa face. Dapat daw ugaliin na palitan lagi ang mittens. Nadudumihan raw kasi yon like napapahidan ng gatas, alikabok etc. Umaga, tanghali, hapon at gabi ang palit. Then sabay ng pagpalit at pupunasan daw ang mukha ni baby ng bulak at tubig na wilkins. Sa noo pedeng side to side ang punas pero sa pisngi dapat pataas lang. Tapos pat dry lang din ng bulak. Masasabi kong effective kasi nababawasan na yung mga pamumula or butlig sa baby ko.

Magbasa pa

Naniwala din ako sa sabi sabi na mawawala daw ng kusa pero sa baby ko lalo lumala. Seborrheic dermatitis yung diagnosis ng pedia nya. And nagtutubig na sya kaya prone sa infection. Observe mo pag dumami yan pacheck mo na agad. Hinayaan ko lang kasi yung sakin. Okay naman na si baby ngayon. Mahal lang ng mga gamot.

Magbasa pa

may ganyan din baby ko na parang butlig panga pero normal naman daw yan kusa daw mawawala

momshie pahiran mo tuwing umaaga ng milk mo ilagay mo sa cotton bolls mabilis mawalan yan

VIP Member

same sa baby ko pero sabi nila normal lang daw po yan at kusa sya nawawala.