Tamad si Baby uminom ng water

Hello po mga Mii, my baby is pure breastfed and will turn 9 months tomorrow. Since nagstart sya magsolids nung 6 months sya, pahirapan akong painumin sya ng water after every meal or kahit anytime of the day. Hindi pa sya makaubos ng 2oz man lang a day. Sinubukan ko sya i-bottlefeed before, ayaw nya, tinatabig lang ang bote. Kapag dino-dropper ko naman, nilalandi nya at niluluwa lang. I also tried cupfeeding kaso di nya rin makuha pa yung idea ng pag-inom/sip ng water. What to do po kaya? Napansin ko kase laltely, medyo madilaw na yung ihi nya unlike before. Baka kako dahil nga madalang sya magwater. Baka po may iba pa kayong tips , pa-share naman po. Thank you! #pleasehelp #advicemommies #firsttimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

baby ko din mii hindi umiinom ng water . open cup, sippy cup, yung with straw. ayaw padin nya usually 2 lagok lang sya tapos masasamid na tapos pag open cup gamit ko ikakawkaw nya lang kamay nya. If breastfeeding mii lagi mo lang din padedein. Sa baby ko pag kulang ang milk dun ko sya nakikitaan na yellow pero pag madami sya naiinom na milk super light makikita sa diaper

Magbasa pa

Huwag po pilitin, but keep on offering lang po after eating solids. If continues breastfeeding pa rin naman po sya, it shouldn't be a problem since supposedly ay may fluid consumption pa rin po sya. Before 1yo naman po, milk pa rin talaga dapat ang main source of nutrition nya, at introduction to different flavors and textures pa lang ang main purpose of eating solids.

Magbasa pa
10mo ago

Noted po ito! Thank you po 😊