Nagpipigil ng antok

Hello po, meron oo ba ditong naka-experience na yung LO nila nagpipigil ng antok? Tipong hikab ng hikab pero panay tingin lang si LO sa paligid at kahit pikit na isang mata lumalaban pa rin sa antok? Tapos during bfeeding, tulog na sa pagdede pero sa huli gigising. Kapag binurp mo ayun na naman ‘di matutulog, kung makatulog man idlip lang ng 30mins then gising na ulit at magwawala na kasi pagod na. Ano po kayang pwedeng gawin? Turning 3 mos na baby ko. #pleasehelp #firstmom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mababaw po ang tulog n'ya baka gusto magpahele pa or ayaw pa talagang matulog nap lang siguro gusto po.. try mo pacifier nakakatulong o kaya padedeen ulit sa breast kasi magsuck lang s'ya para ma-confort and then makakatulog na s'ya ng mahaba-haba po, lo ko ganyan po 2 months pa lang tiyagaan lang talaga

Magbasa pa
2y ago

Thank you po sa response. Hinehele naman at kinakantahan para po makatulog kaso fighter talaga e hanggang sa maghanap na ulit siya ng dede. Hinahayaan ko na rin siyang dumede hanggang gusto niya at makatulog siya, madalas more than an hour kaso at the end gising pa rin e. Nagwoworry lang ako kasi need din niya ng sleep para sa growth niya. E kapag ganito kasi na palaging kulang tulog, tipong 10-12hrs lang total sleep niya everyday e nakakaworry talaga.