#SANAPOMAPANSIN

Hello po magtanung lang sana ko .. NO HATE sana πŸ™‚ July 3 kasi nanganak ako sa first baby ko then sept 13 nagmens na ko .. Tapos nung oct hanggang ngayon hindi pa ko dinadatnan. Withdrawal naman po kami ng asawa ko.. PUREBREASTFEEDING po ako.. Wala din po akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko at hindi rin ako nahihilo o nasusuka.. Saka diba dapat kapag mga 2mos na medyo halata na ung tiyan sakin kasi flat lang, malaki kasi ko magbuntis. Nagtanung ako sa friend ko ang sabi nya delayed lang daw ako .. Ayaw ko naman mag PT kasi natatakot ako . HINDI pa ko ready mag anak uli dahil maliit pa anak ko😭 Anu po sa tingin nyo mga mommy? Mababaliw na po ako kaiisip e hindi na ko nakakatulog πŸ˜₯😭

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mag PT ka na mi , wala na kayo magagawa o ikaw kung may baby kayo ulit . Baby nyo pa rin yan kailangan panagutan 🫢🏻 kawawa naman kung maiistress ka kakaisip dyan.

magPT kana po mi mas maigi malaman ng mas maaga para makapagplano na kau ulit ng hubby mo. baka po kasi hormonal imbalance din kapag di dinadatnan. wag po magpastress.

mag pt na po kayo kesa lagi kayo nag iisip.. malaki kasi chance na mabuntis pag withdrawal lang lalo na kung di sanay mister mo sa ganun,

hindi masasagot ng karamihan dito kung buntis ka o ano man. kung nag aalala ho kayo mag PT kayo, un lang makakasagot ng katanungan nyo

mommy best thing to do mag pt kana po then go to your ob, possible kasi ang ganyan pero para mas sure ka mag pt po and magpa ob na

mababaliw din kame ate sayo kung buntis ka oh hindi ang sagot dyan mag pt ka or magpacheckup hindi naman po kame manghuhula dito .

Di ka pa pala ready masundan yan pero hindi kayo nagiingat. Hindi effective ang withdrawal. Tanda mo na naniniwala ka pa rin dyan.

3y ago

ikaw lang galit dito teh, matino naman yung comment hahaha

VIP Member

normal lang po para sa pbf ang mdelay po ang mens. ako po nagmens after 1yr and 5months ..

PT ka, wag ka matakot... you'll know din sa future and you can't dodge the reality.

better take pt para po masagot yung tanong nyo