Elective CS or Normal Delivery

Hi po! Last year nag normal delivery po ako sa akong first baby, unfortunately nahirapan akong ilabas siya at nakainhale na siya Ng dumi at nag cause Ng pagkamatay Ng baby ko sa NICU. Ngayon po may rainbow baby kami ulit, pero iniisip ko kung mag CS na lang po ba ako ngayon or normal delivery? #Octoberbaby #CsDelivery #rainbowbaby

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

ask your OB po. namatayan na rin ako ng baby nung 1st ko, mecomium din yun, normal delivery din. ngayong 2nd baby ko, natakot din ako at nagask na kay OB na pwede bang mas maaga ilabas,, di sya pumayag kasi ipipilit daw namin na di pa ready. for me to be at peace every 2weeka ang ultrasound namin at hinayaan ko na ang sarili kong magrelax. ayoko na mastress para di mastress si baby. pinagdasal ko lang. and thankfully, normal delivery at 39w5d. very healthy at mataba pa. so i think, best na magtanong ka kay OB mo. open up your concerns kasi sya ang magpapaanak sayo. also be mindeful na if elective cs ang pipiliin mo, di ito mababayaran ng philhealth since gusto mo lang magpaCS at walang ibang physiologic reasons like maliit na sipit sipatan, or ano mang complications.

Magbasa pa
9mo ago

Thank you so much po! ❤️