Contractions at 12 weeks

Hello po.. Im 12 weeks pregnant. Sa ultrasound ko nakitaan ako ng contraction. Napansin ko din na madalas nangangalay yung balakang ko kasi nakabed rest ako. Sabi ng ob ay contractions daw yun pero wag ko daw pansinin para di ako ma-stress. Tanong ko lang po kung may naka experience na ng ganito na first trimester pa lang may contractions na? Ano po ginagawa nyo bukod sa pampakapit na iniinom? #firstTime_mom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

nagkaron ako ng premature contractions dahil sa UTI, I was admitted for 2 days without bathroom privileges and was given meds for that, then at home bed rest for a wk + meds. Monitor mo din mamsh ung contractions mo, kung gaano katagal at ung agwat ng bawat hilab. Bawal ma stress, at habang naka rest ka bawal talaga maglakad lakad or panik panaog na makaka trigger ng hilab. Stay safe mamsh :)

Magbasa pa
12mo ago

ung feeling mamsh na parang sumisikip o tumitigas ung sa tyan..ganyan din ako nun di ko maipaliwanag ung pakiramdam basta hindi sya comfortable, magdamag ako non di makatulog kaya pagka umaga pumunta na ko er, nag non stress test para makita kung talaga bang may contractions at kung ok si baby, ayun meron nga.