Magwork nalang ako.

Hello po , hindi ko na alam gagawin ko 6 weeks na si baby, mahina padin supply ko , 1 hr sya magdede hindi padin busog iyak padin ng iyak, kaya pinadede ko sa ate ko ilang minutes lang busog na agad at relaxed na sya.. minsan sa ate ko na pinapadede ilang minutes lang busog na din ..nagawa ko na lahat ng advice para lumakas ang supply , kapag nagpupump din ako sa una lang ako nakakapag 30 ml. then mga susunod 10 ml nalang. ang nacoconsume ni baby every feed 90 ml na .. Balak ko mag work nalang para mag formula nalang si baby.. ang hirap kase isustain ng breastmilk ko kaya minimix feeding ko na si baby ko huhuhu. mahirap iwan si baby pero kailangan kesa sa magutom sya.FTM and solo parent din . ADVISE PO SANA .

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung may budget ka, consult ka na f2f with a lactation consultant. meron sa Makati Med. meron ako kilala na 3 month na mahina supply pero nag improve ang supply.. nag consult din ako dati kahit maganda latch ni baby sa akin. naka haakaa nga lang ako at di ako nagpump. nung 1st week, halos 5ml lang nakukuha ko sa haakaa. the next week nakapag 10ml ako. dun na nagprogress.. eto mga advise ng lactation cons.. 1. wag ka magbase sa gano kabilis or katagal kayo magfeed per session para malaman kung busog siya. as long as nakapagpalit kayo ng diaper atleast >5 diapers in 25hrs ibig sabhin, sapat nadede niya 2. read up on cluster feeding. eto ang way ni baby to regulate your supply. kapag matagal siya nagdede sayo ibig sabhin nagssend siya ng signal sa breast na need niya ng mas madami na supply. 3. may type of cluster na, 5mins lang magdede tapos akala mo busog na pero after an hour gutom na ulit. may type of cluster na naka latch lang ng sobrang tagal na alternately di actively sucking and sucking. on my case naexperience ko parehas. nagfeed ako ng 10mins tapos itsurang busog na siya. after 30mins, kala ko kung ano nangyari bat bigla umiyak at chineck ko lahat. nagtry ako maglatch ayun, naka 15mins pa kami ulit na session. ang pinakamatagal ko na latch ay 2hours. yung friend ko, 5hrs daw naka latch si baby sa kanya naiyak na lang daw siya sa tagak nilang magnanay. 4. basta okay ang latch, no need to worry sa duration ng feeding. 5. hydrate. at least 2-3liters per day. okay lang kahit water. pero pwede ka mag electrolyte drinks like gatorade or pocari sweat. pwede rin mga sabaw 6. habang nagffeed ka sa 1 breast, yung isang breast ay nagppump. dahil tinatamad ako magpump, naka haakaa lang ako sa kabila habang nagfeed si baby sa kabila. nattrain ang both breast to think na need niya magproduce. so para kang nagffeed for twins 7. in corelation to that, every feeding, always offer both breasts. pagkatapos niya sa left, kung feeling mo kulang pa, offer the right. and vice versa. 8. be consistent with hours of feeding. stricly 2-3hrs. as in mag alarm ka ng every 3hrs magfeed ka, umiiyak o hindi si baby, gising or tulog eh ifeed mo siya. yan pa lang naman naalala ko

Magbasa pa
2y ago

very informative. ty

mi. stay hydrated lang talaga ! kahit isang liter everyday good na ! more on sabaw lang, wag pa stress .. stress pinaka cause kaya di na proproduce ng milk. goodvibes lang palage,

2y ago

yes po mi. Thanks po 💙

try nyo po mag take ng NATALAC mommy once or twice a day ka magtake nakaka 3onz ako wla pang 3minutes mainam rin ang malunggay na may sabaw syaka magmilo ka po palagi

Wag mo sstress sarili mo sis. Kung anong mas okay sa health mo dun ka. Pag happy at okay ka. Okay din si baby mo.. apir tayo. FTM and solo parent din. Kaya naten to.

Try nyo po magic 8 daw. 8 times a day ka mag pump every 3 hours interval. Try nyo po gawin for 2 weeks.

2y ago

Yoboo electric breast pump gamit ko.. 750 po ata sa shopee.. affordable na and maganda na quality..

sakin din, hindi nakakaabot ng ml pag nag pupump ako, sobrang hina🥲 kaya di na bubusog si baby

Mi magmix formula kana. ako super kaunti talaga nalabas so nagformula na kami, 6 weeks din anak ko.

2y ago

ano po milk ni baby niyo mi? . g6pd deficient din po baby ko

unli latch mo lang talaga si baby dadami din yan be positive lang

2y ago

opo mi. iniiyakan nya lang din po kasi minsan kapag nagdedede po sakin.. parang hindi din po sya nabubusog naghahanap pa po kahit 2 hrs na syang naglalatch..