Pasintabi sa kumakain

Hello po. FTM here and need help or advice. Sino po dito same case sakin? Yung bb girl ko po na almost 3mos old, ganyan yung tae niya. Green na parang may sipon. Mix feed po sya pero more on bmilk kc yung formula milk, inaayawan niya kahit anong pilit ko. Mahina kc milk ko at sa tuwing iritable na siya dahil kulang yung gatas ko, dun ko pa lng binibigyan ng formula milk. Dume dede naman pag formula pero inaayawan niya. Pag ibalik ko ulit sa bibig nya yung bottle, dedede ulit then inaayawan niya ulit. Nagpalit na din ako ng bottle and milk same pa din. Based sa picture po, may diarrhea ba siya? Kasi may sabi2 dito samin na "green na tae ni baby ay dahil yun sa mga nakain niya nung nasa loob pa lang ng tiyan ko na ngayon lang niya nailabas"... thank u po sa sasagot.

Pasintabi sa kumakain
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po. FTM. We have the same case as my baby. Turning 3mos also and mixfed. Minsan watery and may mucus po lalo na pag breastmilk. Tuwing sat-sun ko lang po siya pinapaformula pero 60-120ml lang din po nacoconsume niya per day sa formula pero pag ung poops naman po niya sa formula buo po. Unlike sa breastmilk na watery. Inaayawan niya din po sa avent natural and pigeon wideneck. Kaya ginagawa po namin hinihintay talaga namin siya ung gutom na gutom na saka namin isasalanpak ung bote po. Enougher lang din po yung supply ko kaya di rin po ako nakakapagkeep ng stash ni LO. Kala din po namin may diarrhea si baby, pero pinaconsult and labtest po namin siya, normal naman po yung findings. Much better po if ipapaconsult niyo rin and labtest para sigurado. Here’s a sample photo of my baby’s poop with mucus & watery poop.

Magbasa pa
Post reply image