Ano po madalas inilalagay sa maternity bag?

Hello po First time mom po ako, ask ko lang kung ano po madalas need na ilagay sa maternity bag? Bukod po sa damit ni baby at damit ni mommy? Ano pa po yung iba? Di ko po alam kung ano mga ilalagay. 33 weeks preggy na po ako at nagready na po ko just in case lang po. Wala po ako mapagtanungan na iba e Salamat po sa mga sasagot Ps. Please specific po sana (ex. Diaper, betadine etc) wag po ung katulad ng "baby essential needs" Syempre po madami essential needs sa baby kaya need ko po talaga specific po para malista ko at mabili ko na ung mga wala Salamat po #First_Baby #firsttiimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same question: Pero nasa bag ko na mga gamit ko muna. 2 sets of pajama 2 nursing bra 3 panty 2 socks Wet wipes Maternity pad/napkin Slippers Di ko pa nahahanda yung damit ng baby namin kasi hindi pa nalalabhan Pero may nag-advise na kumadrona na eto ang para sa baby: *Barubaruan - Long sleeve&Jogging 2 set (w mittens, socks, bonnet) *Extra Short sleeve&Pajama 2 set (w mittens, socks, bonnet) *3 pcs pranela *10 pcs. Lampin *Cotton Rolls *70% Alcohol *Head to toe body wash ni baby *Wet wipes *Baby oil *Newborn diaper

Magbasa pa
2d ago

napaka laking tulong po neto mommy 🫢🏼 thank you po ng marami..

Cotton Balls (50pcs) Receiving blanket Underpads 2pcs Adult Diaper 2pcs sama mo na rin yan mi 😊

Magbasa pa
Related Articles