UTI 34 WEEKS PREGNANT
Hi po awk ko lng kung pwede ba na magtake ng Cefuroxime Axetil ang buntis? May uti po kasi ako and ang taas ng pus cell ko nasa 30-40. Recommended ni ob na magtake ako twice a day for 1 week. Pero sabi po ng tita ng husband ko wag ko daw itake. Magwater and buko juice na lng daw ako

Same tayo kakagaling ko lang mag pa check up 32 weeks. tumaas din bigla pus cells ko resulting to UTI.. Cefuroxime din nireseta sakin kakainom ko lang.. i cure mo na agad yan explain ng OB ko sakin pwede mag ka infection sa dugo si baby pagka labas.. and its true ang daming ganyang cases nakikita ko sa tiktok. Magtiwala tayo sa OB mi wag sa mga doctor doctoran.. kung tita mo lang din paniniwalaan mo sakaniya ka nalang pa check up.. hayy.. bakit pag dr. na nag advce at nag prescribe mag dadalawang isip pa.. nakakalungkot.
Magbasa patake it po since order ni OB, malapit ka na manganak sis,, kaya need matreat ang UTI mo baka kasi makuha ni baby pagkalabas, pneumonia po..Maniwala ka kay OB since sya ang expert, sta nagaalaga sa inyo ni baby at sya ang magpapaanak sayo. di po yan magrereseta ng bawal sa inyo.
Follow your OB, safe po yan sa pregnant and sa baby mo. Dahil mataas pus cells mo, di na yan kakayanin ng tubig at buko juice lang. Kapag di nawala UTI mo, pwedeng magka-infection si baby. Lalo na’t malapit na ang due date mo. Wag po tayo makinig sa mga sabi sabi ng matanda.
Ako Mi kakatapos ko lang mag take nyan Cefuroxime 2x a day, for 7 days. Nung nag pa urinalysis ako taas nman ng wbc ko. Need mo mag tiwala sa ob.. Samahan din natin ng prayers! Kesa ma infect si baby.
follow your ob po kasi mataas ang pus cells mo. Safe for preggy naman yang reseta ng ob mo. Ang mga Ob di basta basta nagrereseta ng antibiotic kung alam nilang makukuha lang sya thru water intake.
follow your ob po. hindi po sya mawawala kung tubig tubig lang gawa ng ang taas po ng pus cell mo mamsh.
thanks po sa nga sagot niyo. uminom na po ako. 2 weeks Pa naman before ulit ako magpacheck up.
thanks po.


