Trans V ultrasound.
Hello po ask ko lang po, meron po ba dito nag pa trans V ng 5weeks ang tyan nila? Okay lang po ba yun na 5weeks na wala pa daw po laman yun bahay bata? Ganun po kasi saken ngayon kaya naguguluhan ako kung okay lang po ba yun. #pregnancy Salamat po.
6weeks and 1day sakin mom's transV first check up..meron na sac and embryo..mahina nga lang heartbeat kaya pinagtake ako Ng pampakapit and meron subchorionic hemorrhage..
ako 6 weeks and 3 days nagka heartbeat na c baby..kain ka more fruits and vegs mamsh pantulong kay baby para mag develop sya ng maayos... and take folic acid na din..
ako sis 5weeks ako nung nag pa ultrasound dugo pa lang si baby kaya pinapabalik ako after 3 weeks. try mo na lang din po mag pa transV after 2 weeks or 3weeks.
Nag trans v din ako 5 weeks may laman na sure na preggy ako kase nakita nman na may baby na maliit nga lng pero kitang kita na tlga yun baby with in 5 weeks old
4 weeks ako nung nagpa transv pero walang makita . pinabalik ako after 4 weeks ayon nakita na si baby . Wag ka papakastress sis at better bed rest kalang .
Opo baka masyado pa po maaga. Kaya nung nagpositive po ako sa PT pinagwait muna ko ng OB ng 2 weeks before transV dahil baka wala pa daw makita.
momsh ilang months kayo delayed, then nag decide na kayo na pumunta sa OB? Going to 2months delayed this upcoming October 14 to have a consultation and TVS advise po please ano dn po additional na pwedeng itanung kay OB. THANKYOU SO MUCH PO. #advicepls #pleasehelp
yes po, ako din po 5weeks palang, wala pa makita mga 8weeks pa daw yan, para sure na at may heartbeat na,,,
help po sino po same case nag spotting nagpa ultrasound may bahay bata pero wala yung baby😭😭😭😭.
Ako kasi 6weeks preggy bago naka pag trans v, and maliit pa si baby kaya pinabalik ako after 2weeks
think positive mommy. basta sundin lang ang sinasabi ng OB at wag magpakapagod
Got a bun in the oven