Mother and Father bonding sa aming 6 months old baby boy

Please help! After ng maternity leave ko kelangan ko iwanan ang anak ko (2 mo & 10 days sya nung umalis ako). Bumalik ako ng mindanao kc dun kami na-assign (sundalo po kami mag-asawa). Tuwing nagbi-vc kami sa anak namin hindi kami tinitignan ng anak namin. Napifeel ko na mas kinikilala nyang mama at papa nya ung parents ko. Pano o ano po ba dapat namin gawin na bonding sa anak namin para maparating namin sa kanya na kami yung parents nya. 1 month lang kasi ang bakasyon namin magasawa. #pleasehelp #advicepls #1stimemom

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po! Yan talaga worry ng mga working moms. pero need bumawi once nagka chance na makasama si Baby. Since nagistart palang sila ifamiliarize yung mga taong nsa paligid nya, kung sino talaga palagi nya kasama yun talaga yung iconsider nya na parents nya. But pls advise po sa parents natin or kung sino man nagbabantay na wag kalimutan na ipakilala at palagi sabihin na tayo ang parents. twing videocall, sabihin lang po nila kay Baby na "say Hi to Mommy and Daddy" para aware lang po sya na ang kausap nya is Mommy and Daddy at ang kasama nya madalas, si Lola or lolo. Eventually masasanay din si Baby. Though iba talaga pag palagi ka kasama pero case to case basis kasi, need natin magwork for our Baby's future.

Magbasa pa

Sulitin nyo na lang po tuwing nakabakasyon kayo. Medyo bata pa din po si baby kaya kung sino madalas na kasama, yun pa lang po kilala nya.