Pill for acne

Patulong naman mga mamsh.. kakapanganak ko lang po nung January this year (2022) sa first child namin. Bale ngayon pong november eh 10 months na sya at wala na po kaming balak sundan sya ng Daddy nya. Hindi po ako gumagamit ng contraceptive maliban sa condom kay hubby.. ang problem kopo kasi ay lately napapansin kong may mga months na grabe ako madelayed.. to the point na napapabili na ako ng pregnancy test only to find out negative. (Trulalo po talagang negative kasi nagkakamens po ako ng mens talaga) kasabay rin po noon ang pag lala ng acne ko.. Wala po akong acne nung buntis ako, as in makinis po. Nung dalaga naman po ako ay paisa isa lang na pimple ang nagkakaroon ako. Pero ngayon pong nakapanganak na ako, sobrang lala po talaga.. halos mawalan na ako ng gana sa sarili ko.. Baka po may maiissugest po kayo na pwede ko gawin or inumin para makatulong sa acne ko. (Feeling ko po talaga dala yun ng horomonal imbalance.) Dahil nadedelayed din po ako ng ilang linggo. Ano po bang magandang pills para maayus ko ang mens ko pati narin sana ang mukha ko.. Sana po mapost. Maraming Salamat

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply