fake or not?
Pano po malaman kung fake o hindi yung cetaphil based sa picture? May nagbebenta po kasi saken sa fb 190 lang yung baby lotion tas 180 lang yung baby wash
Sa price pa lang, malalaman mo na kung peke o hindi. Walang magbebenta ng original na cetaphil na ganyan kamura.
Naku po.. Kung ako lang po never ako bibili ng gamit ni baby sa online.. Para safe sa mall at drug stores
Mas maganda kung sa mercury ka nalang bumili may kamahalan man sigurado ka naman na authentic ang product😊
Sis sa watsons online bumili ako Tig 110 ata mukang malaki SA pic pero super liit as in. Feeling ko fake yan
Dun ho kayo bumili sa magpag kakatiwalaan na mga botika. Meron pong ganyan sa mercury drug store
Fake mamsh kasi yung super liit nyan 100 tapos yung malaki around 300 sya tapos di sya nakaplastic.
Ung sakin prng may sticker mg Gladerma pero hnd bsta2 nta2nggal, sa Robinson Supermarket ko nbili
Parang fake sya mommy. Tignan mo ung akin, iba ung design ng elephant tapos ung ml iba din pagkakalagay.
Basta mura fake ... kase orig price nyan medyo pricey ... sa mall ka nlng po bumili para sure ..
Bili po kayo sa drugstore para sure na ndi fake..kakatakot irisk ang health lalo na pag baby gagamit
Nurturer of 1 rambunctious cub