Konting kaalaman sa pagbubuntis Bakit masakit ang likod.

Pananakit ng likod ng buntis: dahilan, lunas at kung paano ito maiiwasan Share : Hindi ba komportable ang pananakit ng likod ng buntis? Narito ang limang tips para mabawasan ang back pain na ito sa pagbubuntis. Mga dahilan ng pananakit ng likod ng buntis Tips para mabawasan ang pananakit ng likod ng buntis Kailan dapat pumunta sa doktor dahil sa pananakit ng likod Pananakit ng ulo, kakaibang paglilihi, contractions, pagsusuka, at pagkahilo. Ilan lang ito sa mga maaaring maranasan na sakit ng mga nanay kapag sila ay nagbubuntis. Tanong din ng karamihan, ano nga ba ang dahilan ng pananakit ng likod ng buntis? Delikado ba ito at dapat na ikabahala Maaring magsimula ang pananakit ng likod sa unang trimester, pero ka karamihan, nagsisimula ito sa ikalawang trimester o pagdating ng ika-18 linggo ng pagbubuntis. Maari itong lumala at tumagal habang nagbubuntis ka at lumalaki ang iyong tiyan at matatapos kapag nakapanganak ka na. Bukod pa rito, marami ang maaaring pagmulan ng pananakit ng likod ng buntis. Narito ang ilan sa kanila: Dahilan ng pananakit ng likod ng buntis 1. Pagbabago ng hormones Pagpasok ng isang babae sa kaniyang pregnancy journey, hindi maiwasang maranasan ang pagbabago ng kaniyang hormones. Normal itong maituturing at parte lang ito ng pagbubuntis. Habang buntis, ang katawan ng isang babae ay gumagawa ng hormone na kung tawagin ay relaxin. Ang mga ligaments sa parteng balakang ay nagre-relax bilang parte ng preparasyon sa paglabas ni baby. Ayon kay Dr. Rebecca Singson, isang OB-gynecologist mula sa Makati Medical Center, ang hormonal changes na ito ay isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pananakit ng likod ng buntis. “When you get pregnant, you start to release a hormone called relaxin. Yung relaxin ang purpose niyan is nirerelax niya yung mga joint lalong-lalo na sa pelvic area natin. Kasi kailangan lumuwag yan ng konti para to make way for the birth of the baby. Ang nangyayari tuloy para kang engkang-engka kang lumakad, minsan nagduduck waddle, so it causes that pain.” aniya 2. Pagbigat Habang tumatagal ang pagbubuntis ni mommy, kasabay rin nito ang mabilis na paglaki ni baby sa kaniyang tiyan. Lumalaki at bumibigat ito nang hindi namamalayan. Mararamdaman mo na lang ang pananakit ng likod at ngalay kapag mahabang oras na nakatayo. Ang pagbigat ni baby sa iyong sinapupunan ay nakakadagdag ng matinding pressure sa iyong blood vessel at nerves sa parteng balakang. Ayon kay Doc Becky, ang ating likod o spine ang sumusuporta sa bigat ng ating tiyan para makatayo ng balanse at makalakad tayo ng maayos habang nagbubuntis. “Kasi kailangan kang mag-hyperextend kasi yung tiyan mo lumabas. Para makalakad ka nang hindi ka mahuhulog, makatayo ng diretso o ng balansyado, you have to hyperextend your spine and that results to back problems.” 3. Muscle separation Dahil sa patuloy na paglaki ng uterus, nababanat ng mga muscle sa tiyan na kung tawagin ay rectal abdominis muscles at napaghihiwalay ito. Isa rin ito sa mga sanhi ng pananakit ng likod ng buntis. 4. Stress Malaki rin ang naidudulot ng stress sa mga nanay. Kasama kasi rito ang pagsakit ng kanilang likod na talaga namang hindi komportable. Maari itong dala ng pisikal na stress (pagod at hindi makatulog ng maayos) o kaya naman emotional stress dala ng pag-aalala sa kaniyang pagbubuntis. 5. Sciatica Kung ang sakit na nararamdaman mo ay parang tumutusok o namamanhid at nagsisimula sa likod at bumababa sa iyong balakang at mga hita, maaring mayroon kang sciatica. Maari itong mangyari kapag bumibigat ang timbang o dahil sa fluid retention sa katawan, na madalas maranasan ng mga buntis. Lumalabas ang mga sintomas ng sciatica sa ikatlong trimester habang bumibigat ang iyong tiyan at lumalaki ang uterus 5 paraan para mabawasan ang pananakit ng likod ng buntis Hindi natin maiiwasan ang pananakit ng likod na dala ng pagbubuntis, subalit maaari namang mabawasan kahit papaano ang mga sintomas nito. Narito ang ilang bagay na makakatulong maibsan ang pananakit ng likod ng buntis: 1. Sleep on side Payo ng mga doktor, dapat na sanayin ng buntis ang pagtulog sa kaniyang kaliwang bahagi o sleep on side. S.O.S din kung ituring ito dahil maaring makatulong ang ganitong paraan ng pagtulog para mapanatiling ligtas ang kaniyang pagbubuntis. Nakakatulong itong para maiwasan ang mga seryosong komplikasyon katulad ng stillbirth. Ang pagtulog sa kaliwang bahagi ay nakakapagpabuti ng sirkulasyon ng dugo ni mommy papunta sa kaniyang kidney, uterus at fetus. Makakatulong rin ito para mas madali kgang makatayo mula sa pagkakahiga at mababawasan ang bigat na nararanasan ng iyong likod. Subukan ring gumamit ng mga pregnancy pillow o maglagay ng unan sa iyong likod o tagiliran kapag natutulog ng patagilid para sa karagdagang suporta. 2. Masahe Maari kang magpamasahe para maibsan ang pananakit ng iyong likod. Kumonsulta muna sa iyong doktor kung ligtas ito para sa’yo. Kung hindi naman, pwede mong subukang maglagay ng warm at cold compress sa masakit na bahagi para maibsan ito kahit papano 3. Ehersisyo Kahit buntis, pwede pa ring mag-ehersisyo. Nakakabuti ito para sa iyong mga muscle. Ang regular na pisikal na gawain ay nakakatulong para mabawasan kahit papaano ang pananakit ng likod ng buntis. Kasama sa ehersisyo ng buntis ang swimming, yoga, o kahit na ang simpleng paglalakad sa umaga. Pero bago gawin ito, kinakailangang humingi muna ng payo sa iyong doktor para mabigyan ka ng tamang gabay na gagawin mo. 4.Tamang posture Para mabawasan ang pananakit ng likod ni mommy, ugaliin ang tamang posture araw-araw. Narito ang ilang dapat gawin: Tumayo ng diretso I-relax lang ang mga balikat Iwasang tumayo o umupo ng matagal Kapag nakaupo, kailangan ay nakataas ang iyong mga paa Iwasan din ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay. Hindi ito inaabiso ng mga doktor dahil lubhang delikado sa buntis. Subukan mo ring gumamit ng ibang sapatos na may magandang arc support para masiguro na tama ang alignment ng iyong katawan. 5. Acupuncture Ang acupuncture ay isang uri ng paggamot sa China. Kasama sa medisinang ito ang pagtusok ng malilit na karayom sa apektadong parte ng iyong katawan. Kung nais mo itong gawin, mas mabuting ipagbigay-alam muna sa iyong doktor para mabigyan ka ng paalala. 6. Chiropractor Maari ring makatulong na pagpunta sa isang chiropractor para masolusyunan ang pananakit ng iyong likod. Kwento ni Doc Becky: “In one session with the chiropractor tanggal yung back pain. Meron silang special table para sa mga buntis at sanay sila mag-realign ng mga buntis. Kaya I always refer.” aniya. 7. Tamang diet at umiwas sa stress Siguraduhing kumakain ng tama at umiinom ng maraming tubig. Iwasan ang pagkain ng masyadong maalat at kumain ng mga prutas at gulay na mayaman sa magnesium, vitamin B6 at potassium para malabanan ang fluid retention na isang sanhi ng pagbigat ng timbang kapag buntis. Kung nakakaramdam naman ng stress, makakatulong ang pakikipag-usap sa isang taong mapagkakatiwalaan para mabawasan ang iyong dinadala. Maari ring makinig ng music at sumubok ng mga relaxation apps sa iyong cellphone. Kailan dapat tumawag sa doktor Bagamat karaniwan ang makaramdam ng pananakit ng likod ang mga buntis, may mga sitwasyon kung saan kailangan na ng agarang medikal na atensyon. Kung sinubukan na ang mga bagay na ito at hindi pa rin nababawasan ang pananakit ng iyong likod, o kaya kung nakakaranas ng matinding sakit na tumatagal ng higit sa dalawang linggo, ipagbigay-alam agad ito sa iyong doktor. Maari siyang magreseta ng pain reliever na ligtas para sa mga buntis. Tandaan na ang pananakit ng likod ay maari ring senyales ng preterm labor o urinary tract infection. Tawagan agad ang iyong OB-GYN kung makakaramdam ng sakit na may kasamang pagdurugo o vaginal bleeding, lagnat o sakit kapag umiihi. Mabigat ang dinadala ng mga buntis, kaya naman nagkakaroon talaga ng pressure sa iyong mga likod. Tandaan na magrelax at maghinay-hinay sa pagkilos para maibsan ang sakit na iyong nararamdaman. Source: Mayo Clinic, WebMD Asianparent Philippines

1 Replies

Thank you sa information momsh🥰

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles