It is not cheating when it is done thru chatting

Palabas po ng sama ng loob 😭 OA ba ako mga momsh na magalit sa ganitong bagay? Yung husband ko kasi nakikipagchat ang worse nakipag vidcall pa dun sa babae tapos sasabihin niya di niya kasalanan ung babae nagpakita ng motibo at naghuhubad. Ang OA ko daw chat lng naman daw un pati madalang lang. Makareact at iyak daw ako parang nakaanak na sya sa iba. Di naman daw nakakabuntis ang chat. Hindi ko lang maatig ung mga nabasa kong kabalahuraan nilang dalawa tapos ngaun takot na takot sya na magpost shaming ako sa fb pinagtatanggol ung babae na wag ko nang iskandaluhin at laspag narin naman daw un nakakainis napakapavictim niya tangina. May baby na kami 5months old na first time niya maggaganito simula na ba ito ng pambababae niya? 😭 Edukada po ako kaya di ko papatulan tong babaeng ito kasi naiintindihan kong dummy account gamit ng asawa ko pero mali parin sya bilang babae na kakikilala lng ng lalaki ay maghuhubad agad agad sa kachat.

It is not cheating when it is done thru chatting
241 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

magalit ka mumsh and maninidigan na hindi acceptable sayo yan. Sabihan mo siya na pag hindi niya tinigil yang kalokohan niya might as well magisa nlang siya. Bwisit sa buhay ang ganyan at baluktot pa mangatwiran ah para bang ginawa niyang ML ung pakikipagchat. Sana nga nag ML na lang siya kesa ganyan. Di maganda mommy. Love yourself.

Magbasa pa
VIP Member

naku ganyan asawa ko sis nki pag chat2 sa iba timing pa buntis ako iyak2 ako palagi ako nagagalit sa kanya khit pa ok na nmi naayos nah pero yong tiwala ko sa knya hndi na buo...yong tipong hndi kona inisip na hbang buhay ba kami mg sasama pinag pray ko nlng hanggang kailan kami...kasi mahirap mg tiwala lalo nasaktan kana nya...

Magbasa pa

Talking to other girls behind ur back still cheating kht thru chat lang tapos naglalandian pa at hnd ka OA, lagi nman ganyan palusot ng mga lalaki once nahuli kesyo di nya kasalanan c girl ang nagpakita ng motibo. Ang lalaking pamilyado na at matino kht anong hubad pa ng babae umiiwas ,be aware mommy Bka next hnd lang sa chat gawin.

Magbasa pa

Cheating na po yan ate. Bakit makikipag chat at vcall pa sa ibang babae eh may ka partner na or asawa na dahil lang ba sa bored sya? Naku po. Naka Quarantine kasi tayo ngayon kaya vcall vcall nalang. Eh paano kung hindi tayo naka Quarantine naku malaya yan nakikipagkita. Make wise firmly decision. Talk to your husband. kaya mo yan.

Magbasa pa

Cheating will always be cheating kahit saan o kahit ano pa mang sitwasyon. Mali is mali. Kung hindi yan maaagapan habang maaga lalala pa yan. Make a move, mamsh. Never magiging OA ang reaction nating mga babae kapag nahuli natin panloloko satin ng mga asawa natin. Be strong, mamsh and prepare yourself sa mga susunod na mangyayari.

Magbasa pa

kng ako sayo iwan ko na yan.. once na ginawa na uulit ulitin na yan lalo na ganyan xa sumagot sayo imbes mag sorry ee parang ikaw pa tong mali ang ginagwa.. khit chat or videocall lng yan.. dun pa lng nagawa na nya mambabae personal pa kaya..i hohotel pa nga daw nya ee.. cnu lolokohin nya ginagwa kang bata na uto uto ng asawa mo..

Magbasa pa

Grabe super nakakasad po yung mga ganyang lalaki. Di man lng nila naisip kung gano kahirap magbuntis at manganak magalaga ng bata tas ganyan pa isusukli sayo. For me po hiwalayan mo na po yan. Ginagawa ka lang po nyang tanga. Its so obvious po, cheating yan. Sana po makaya mo problem mo ngayon. Praying for you and your baby❤️

Magbasa pa

Sorry sis ha pero nkakaloka yang asawa mo🤨 nhuli mo na nga lahat dami pa alibi. Tpos nangangatwiran pa? D Lang first time nya ginawa cguro yan. Ung reasoning kc nya halatang sanay eh. And sa girl namn na kchat nya bka d Alam ng babae na my asawa at anak yang asawa mong makati.lakas ng loob oh cya p daw ppunta sa house ng girl.

Magbasa pa

Hindi porket hindi nabuntis eh hindi na cheating 🙄 Kakaiba rin mangatwiran yang mister mo eh noh 😠 Napakalaking red flag na niyan. It starts with chatting, later on baka mas worse pa. Cut your losses while you still can. Mas better pang hindi lumaki sa tatay ang anak mo kesa naman mali ang matutunan sa tatay.

Magbasa pa

wag ka no papayag mamsh, karapatan mong mgalit, chat o text kahit di pa cla nagkita,di dapat ganyan,respituhin ka sana nya,Mas lala yan mamsh pag wala kang gagawin, baka magising kanalng na tatlo na kayo sa isang kama,tandaan,walang maapi kng walang mag pa api,kng ayaw tumigil,hiwalayan mo,fucos sa anak,drating din un para sayo.

Magbasa pa